Nagulat na lamang ako habang pinag mamasdan sina Michael at Xavier na ngayon nag papalitan na silang suntok sa aking harapan. Nawalan na ako nang lakas ng loob na awatin silang dalawa dahil sa pamumuong tensyon at galit sa pagitan nilang dalawa. "X-Xavier nag mamakaawa ako, Tama na" awat ko sakanila kahit natatakot na ako. "Ano ba.Tumigil na kayo!" sigaw ko ulit sakanila pero patuloy pa din silang nag papalitan ng suntok sa bawat isa na para bang hindi nila ako nakikita at naririnig. Halos natataranta na ako ngayon dahil hindi ko pa rin alam kong ano ang dapat kong gawin para patigilin sila sa ginagawa nila. Nag alala din ako dahil pareho na silang may galos at sugat sa kanilang mga mukha dahil sa pag papalitan nila nang suntok. "Michael. Xavier please stop!" Sigaw ko sa kanila. Nagula