"Dinalahan kita ng lunch, Aaliyah" aniya ko habang hawak-hawak ko yong tray na laman ng pag kain. Napa buntong-hiningga na lamang ako ng hindi nya man lang ako magawang lingunin, bagkus naka titig sya sa kawalan. Limang araw na simulang ma-discharge sya sa hospital, lagi na lang syang naka kulong o kaya naman laging umiiyak mag isa sa kanyang kwarto. Ilang beses ko, na din sya umaya lumabas pero tikom lagi ang kanyang bibig, at hindi nya ako magawang tignan at kausapin at patuloy nya akong tinutulak palayo. Labis na akong nag aalala sa kalagayan nya dahil, parati na lamang syang umiiyak at tulala na animo'y marami syang iniisip. Aaminin kong napaka laki ang nagawa kong kasalanan sakanya at labis akong nag sisisi dahil hindi ko nakita kaagad na labis syang masasaktan at maapektuhan ng ga