CHAPTER 8

1630 Words
IT BECAME AWKWARD for Luna for the following days to stay with Zayden in the apartment. Kaya naman naisipan niyang maglakad-lakad. Dala ang sketchbook, pencil at cellphone niya, naghanap siya ng mga tanawin na pwedeng iguhit. Napabuntong hininga siya nang makita ang mukha ni Zayden na iginuhit niya. Hindi niya alam kung bakit naiguhit niya ang mukha ng binata. At napapansin niya sa kaniyang sarili na laging sumasagi sa isipan niya ang binata sa hindi niya malamang kadahilanan. Luna stared at Zayden’s face in her sketchbook. Her drawing was detailed. Nakuha niya ang mabait na mukha ng binata at kung paano ito ngumiti. Zayden always smiles, but he seldom laughs. Namalayan na lamang ni Luna na nakangiti siya habang nakatitig sa mukha ni Zayden. “Ano bang nangyayari sa akin?” Napailing siya sa kaniyang sarili saka muling naglakad-lakad. Nakarating siya sa isang parke at doon umupo siya sa isang bench. But she realized na napalayo na siya sa apartment at hindi na niya alam kung nasaan siya. Ngunit hindi na muna ‘yon inintindi ni Luna. Nagsimula siyang gumuhit at ang mga batang masayang naglalaro ang iginuguhit niya. Pero pagkalipas lamang ng dalawang oras na pamamalagi niya sa parke, dumilim ang kalangitan at nagbabadya ito ng malakas na ulan. Lumakas rin ang hangin. Na kahit kanina lang ay sobrang lakas ng araw. Naghanap siya ng pwedeng masilungan pero wala siyang nakita hanggang sa pumatak ang ulan. And lucky for her, she saw a shed. Bigla na lang umulan ng malakas kaya nagtakbuhan na ang mga tao para sumilong. Tumakbo na rin siya patungo sa shed na nakita niya. Malakas ang ulan at nagtagal rin ito ng labin-limang minuto. Nang medyo tumila na ang ulan, nagsialisan na ang mga tao sa shed dahil may dala ang mga itong payong habang si Luna ay wala. Wala rin siyang jacket at medyo nilalamig na siya. At dahil ayaw niyang mabasa ng ulan, hindi niya rin alam ang daan pabalik sa apartment, binuksan niya ang Maps sa phone niya kaya lang 10% na lang ang laman ng battery nito. Wala rin siyang signal. Napakamot na lamang si Luna ng batok. Bumili lamang siya para makalayo kay Zayden at makapag-isip siya ng maayos ngunit kung saan-saan na siyang dinala ng kaniyang paa. Now, she was in the street she didn’t recognize, and to make things worse—umaambon pa. With her 7% battery on her phone, she opened her messaging app while her fingers were trembling. Wala na siyang pamimilian kundi magpatulong sa taong iniiwasan niya. She clicked Zayden’s name. ‘Den, help. I’m lost.’ She hit send. But it failed to send. Napatitig na lamang si Luna sa screen ng kaniyang cellphone. Napabuga siya ng hangin saka napatingin sa madilim na ulap. “Great. Lost, wet, and low battery. This is peak Luna moment. Just great.” PANAY ANG TINGIN ni Zayden sa cellphone. He was checking Luna’s message, pero wala. Hindi rin ito online. He tried calling her. Again. Again. But still out of reach. Hindi siya mapakali. Nang umulan kanina ng malakas, nag-alala na siya para sa dalaga. Kaninang umaga ito umalis at hindi ito nagsabi kung saan ito pupunta. Mukha ring iniiwasan siya nito. Pero ngayon kahit tanghali pa lamang pero parang hapon na dahil madilim ang kalangitan. He stood up from the couch, grabbed his hood, and slipped into his sneakers. Umaambon pa rin sa labas pero wala na siyang pakialam. Ang mahalaga ay mahanap niya ang dalaga. Naglakad siya sa kalsada habang hinahanap si Luna. Nagtatanong-tanong na rin siya sa mga taong nakakasalubong niya habang pinapakita ang picture ni Luna, kung nakita ba nila ang dalaga pero walang nakakita sa dalaga. Pinuntahan niya rin ang milk tea shops, bookstores, and cafes na alam niyang pupuntahan ni Luna pero wala. Medyo basa na siya sa ulan, but his thoughts were louder than the rain. Ang tanging nasa kaniyang isipan ay ang dalaga. Paano na lang kung may nangyaring masama rito? Hindi niya alam kung bakit sa lahat ng beses na wala ang dalaga, it was like something inside him was tightening. Hindi lang pag-aalala. But something more. Turning the corner near a convenience store, he saw a familiar figure. His heart jumped. “Luna?” Mabilis namang humarap sa kaniya ang dalaga. “Den?” Biglang nabuhayan ng loob si Luna nang makita niya si Zayden. Zayden ran towards Luna and when he reached the waiting shed. He could help… “Bakit hindi ka tumawag?! Grabe ka. Lowbatt?! Walang signal?! Hindi ka nagsabi kung saan ka pupunta!” Tuloy-tuloy na sabi ni Zayden, at hindi na niya napigila ang pagtaas ng kaniyng boses. “Sinubukan ko,” sagot ni Luna habang naiiyak. “Nagsend ako ng message to you pero hindi nag-push.” Zayden was already pulling his hoodie and putting it over Luna. Alam niya kasing nilalamig na ang dalaga. Kahit na siya mismo’y nilalamig na rin. “Are you insane?! You could’ve…” Zayden’s voice cracked because of worry and fear. “You could’ve been hurt.” Napakurap si Luna. “Zayden…” Aniya. Ramdam niya kasi ang pag-aalala sa boses ng binata. Then he just hugged her. No warning. No hesitation. Mahigpit ang yakap ni Zayden kay Luna. Sa pagkakadikit ng kanilang katawan, ramdam nila ang mabilis na pagtibok ng kanilang mga puso. “Zayden…” “Luna, please, next time, tell me kung saan ka pupunta sa susunod. Huwag mo ng ulit gawin ‘to.” Sabi ni Zayden habang nakayakap pa rin kay Luna. “Hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala sa ‘yo.” Luna closed her eyes. “Promise. Hindi na.” Gumuhit ang ngiti sa labi ni Zayden. In the middle of their embrace, something settled between them. Not just relief. Not just friendship. Something deeper. Something was waiting. Pero alam ni Luna na hindi pwede. Hindi siya pwedeng makipagrelasyon kahit sinumang lalaki dahil engaged na siya. Pero sa pagkakataon na ‘yon gusto niyang sumaya. Gusto niyang pasayahin ang kaniyang sarili. Kahit ilang araw lang sa natitirang isang buwan. Kahit panandaliang ligaya lamang. Kasi ramdam niya ang saya ng kaniyang puso sa tuwing nakikita niya si Zayden. Kahit kaunting panahon lamang. Gusto niyang pagbigyan ang sarili. She wants to be selfish. NANG MAKABALIK SILANG DALAWA NG KANILANG APARTMENT, umuulan pa rin sa labas. Parehong nanginginig na ang dalawa dahil sa lamig. Mabuti na lang at may tricycle silang nasakyan kaya mabilis silang nakabalik ng apartment. “Magpalit ka ng damit,” maalumanay na sabi ni Zayden. “You’re freezing.” “Paano ka?” tanong ni Luna. “I’m fine,” Zayden said, though his jaw clenched slightly from the cold. Tumango si Luna saka pumasok sa kwarto. Nang makapasok si Luna sa kwarto nito, napahinga si Zayden ng maluwang. His heart was still racing. Not from running. Not because of the rain. But because of her—Luna—seeing her in the waiting shed alone, scared and unreachable. Those thirty minutes of not knowing where she was felt like years. Zayden took a deep breath. From what happened. Na-realized niyang hulog na hulog na ang loob niya sa dalaga. Alam niya sa sarili niya na hindi lamang simpleng pagkagusto ang nararamdaman niya pero ayaw na niya munang pangalanan iyon. Pumasok rin si Zayden sa sariling kwarto saka nagpalit ng damit. At pagkatapos niyang magpalit, lumabas siya ng kwarto at pumunta sa kusina. When Luna emerged twenty minutes later, her hair was damp but dry now, wearing an oversized sweatshirt and pajama shorts. Nakita niya si Zayden na nasa kusina. Zayden looked at Luna. “You want hot coffee?” Tipid na ngumiti si Luna. “Coffee’s good.” Tumango si Zayden. Zayden made coffee for two, and they sat on the couch. May kumot na nakapatong sa kanilang mga paa at may nakalagay pang kumot sa kanilang mga balikat. Iisang kumot ang gamit nila pero hindi sila magkatabing magkadikit, may espasyo sa pagitan nila. Luna wrapped her hands around the mug. “Salamat sa paghahanap sa akin.” “Of course,” Zayden said in a low voice. “Akala ko mawawala na ako sa katinuan.” Luna glanced at Zayden sideways. “Sorry. Hindi ko sinasadya na takutin ka.” “You did,” Zayden admitted. Nagbaba ng tingin si Luna. “Sorry,” she whispered, but Zayden heard it. Ibinaba ni Zayden ang hawak na mug at hinarap si Luna. “Huwag mo ng ulit gawin ‘yon, Luna. Don’t vanish without telling me where you’re going. Pakiramdam ko mababaliw na ako.” “Sorry. Hindi ko naman naisip na mawawala ako,” sabi ni Luna sa mahinang boses. “Naglalakad lang ako… and I didn’t realize I was far until it was too late.” Hindi nagsalita si Zayden. Then he remembered something. “Don’t tell me, you're drawing while you know you have already lost.” Natahimik si Luna. And from Luna’s silence, Zayden already knew the answer. Napailing na lamang siya. He gave Luna a half-smile, but his eyes were still serious. “Bakit ka lumabas ng hindi nagpapaalam?” tanong ni Zayden sa maalumanay na boses. “At parang iniiwasan mo pa ako.” Napatitig si Luna sa mug. “I needed to think.” “About?” Luna hesitated. “About me. About… us.” And there was silence. Ibinaba ni Luna ang hawak na mug at humarap kay Zayden. “I have already told you that my mother didn’t allow me to have a relationship with any man. I have no freedom for that.” Hindi umimik si Zayden at hinayaan niyang magsalita si Luna. “It’s because I was already engaged.” Kumuyom ang kamay ni Zayden. “You’re engaged?” Zayden felt that his heart had shattered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD