CHAPTER 6

1292 Words
LUNA planned to finish the whole storybook the next day, but the pain hit her hard. She curled up on a blanket on the couch, one hand pressing her lower abdomen, her brows drawn tight in pain. At dahil dito, lumamig na rin ang kape niya. Gusto niyang sumigaw pero parang wala na siyang lakas. Bakit pa kasi kailangang dumaan ang mga babae ng ganitong paghihirap? Parang gusto na lamang niyang mamatay dahil sa matinding sakit. Even if she was in pain, Luna tried her best to stand and go to the kitchen to make a hot pack. Napapangiwi siya dahil sa sakit. Pero bago pa man siya makatayo, bumukas ang pinto at pumasok si Zayden. Kung saan ito nanggaling, iyon ang hindi niya alam. Hindi na lamang niya pinansin ang binata. “Anong nangyayari sa ‘yo?” nagtatakang tanong ni Zayden. Umiling si Luna saka sinubukang tumayo pero talagang masakit. She was now pressing her hand hard against her lower abdomen. “Luna, what’s happening? Hindi ka naman ganiyan noong iniwan kita kanina.” Nag-aalalang tanong ni Zayden. Dinaluhan niya ang dalaga. Luna pointed to her stomach. “Bakit? Masakit ang tiyan mo? May nakain ka bang masama? Pero ayos lang naman ang pakiramdam ko. Pareho lang naman tayo ng kinain kaninang umaga.” Luna closed her eyes. Hindi niya alam kung maiinis siya dahil kay Zayden. Pero hindi naman niya ito masisisi dahil hindi naman ito babae. Hindi nito alam ang pinagdadaanan nilang mga babae sa tuwing dinadatnan sila. “Luna, dadalhin na ba kita sa hospital?” She slightly opened her eyes. “Anong hospital? Normal lang ‘to.” Aniya habang nakangiwi. “But you’re in pain.” Umiling si Luna. “I’m fine. It’s because of my period. Dysmenorrhea.” “Oh.” Zayden stood. “Wait for me,” he said, and disappeared into the kitchen. Hindi alam ni Luna kung ano ang gagawin ni Zayden pero narinig na lamang niya ang pagtunog ng microwave. A few moments later, he returns—warm compress in one hand, and ginger tea in the other. Hindi na niya kailangang tanungin kung anong tsaa ang hawak nito dahil malayo pa lang naaamoy na niya. “Lean back a little,” Zayden said gently. Bahagyang nagulat pa si Luna dahil sa maalumanay na boses ni Zayden. Pero sinunod niya ang sinabi ng binata. Zayden replaced the old heat pack with the freshly warmed one, tucking it against Luna’s belly with careful hands. “Inumin mo ‘to.” Kinuha ni Luna ang ginger tea mula kay Zayden at bahagyang nagkadikit pa ang mga kamay nila. Both of them felt the sparks that were emitted. Luna pretended she didn’t feel it while Zayden smiled a little. Umupo si Zayden sa tabi ni Luna. He drapes the blanket on her. “Thanks.” Zayden smiled. “Lagi mo bang nararanasan ‘yan?” “Yeah,” sagot ni Luna. “At ito na ang pinakamatindi.” “Sinong nang-aalaga sa ‘yo kung nagkakaganiyan ka?” tanong pa ni Zayden. Umiling si Luna. “Minsan wala. Minsan naman ang mga kasambahay namin.” “Your mother won’t help you?” tanong ni Zayden. Kasi hindi ba ang unang magulang ang sasaklolo sa anak kapag may sakit ito. Natawa ng mahina si Luna. “My mom will never do that. Mas mahalaga sa kaniya ang humanap ng pera.” Natigilan si Zayden. “Sorry to hear that.” Aniya. Alam niyang may family problem si Luna kaya hindi na siya nag-usisa. “No need to be sorry,” sabi ni Luna at uminom ng tsaa. “Pero alam mo, swerte ang magiging asawa mo.” Bahagyang kumunot ang nuo ni Zayden. “Paano mo naman nasabi ‘yan?” tanong niya. “You’re gentle.” Natawa si Zayden. “Ikaw pa lang ang nagsabi sa akin niyan.” “Really?” Luna smiled. Pero nawala ang ngiti niya. “Kaya lang kung nag-asawa ka, think of your wife’s safety first. Hindi madaling maging babae. Sa panganganak pa nga lang, halos ang isang paa ay nakabaon na sa lupa.” Zayden looked at Luna. “Para kang si Mommy kung magsalita.” Nagkibit ng balikat si Luna. “Pero huwag kang mag-alala dahil kung ikaw ang naging asawa ko, ikaw ang mamimili kung ilan ang gusto mong anak natin.” Pagbibiro ni Zayden na may kasamang katotohanan pero dinaan na lamang niya sa pagtawa. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Luna. She was stunned by what Zayden had said. Pero nang makabawi siya, sinuntok niya ang binata sa tiyan, hindi naman ganun kalakas. Napa-igik si Zayden. “Bakit mo naman ako sinuntok?” Inirapan ni Luna ang binata. “Ang lakas mo talagang mang-asar ‘no.” Zayden chuckled sexily. “Ang seryoso mo kasi.” “Hindi ako seryoso. Sinasabi ko lang kasi baka katulad ka naman ng iba diyan na kung kani-kanino pumapasok. Hindi na inisip ang kapanakanan naming mga babae.” Literal na napatanga si Zayden kay Luna. “Hey! I’m not like that,” he defended himself. Tinignan ni Luna si Zayden. Zayden sighed, seeing Luna’s expression. “I swear. Wala akong… ahmm… hanggang holding hands lang ako.” “Oh, ba’t ka nagpapaliwanag?” tanong ni Luna. “Hindi ko naman tinatanong.” Natigilan naman si Zayden. Oo nga naman. Bakit ba siya nagpapaliwanag? Tumayo siya saka walang imik na nagtungo sa kusina at iniwan si Luna sa may sala. Naiwan naman si Luna sa living room na may ngiti sa labi. They were aware that Zayden had helped her earlier and was full of gentleness and care. Yeah, Zayden’s future wife was lucky. It was unfortunate na hindi siya ‘yon. Napailing na lamang si Luna. SINCE THEY were roommates, they shared the kitchen, and they agreed that it was Zayden who would cook. Pero ginusto ni Luna na siya ang magluto para sa sarili niya. She insisted on cooking dinner, despite her not-so-great track record. She planned to make pancakes, but the room filled with smoke as the pan hissed angrily on the stove. Pinaypayan pa niya ito para mawala ang usok. Zayden face-palmed seeing the smoke and smelling the scent of burnt food when he entered the kitchen. “I swear I only looked away for two seconds!” Zayden rolled his eyes. “Baka dalawang segundo sa impreyno kamo.” “Oh, shut up, Den! I was experimenting. It was supposed to be golden brown!” Depensa ni Luna sa sarili. Napabuntong hininga si Zayden nang makita ang itim na pancake. He poked it with a fork, but it was hard. “Luna, this is charcoal, not a pancake.” Bakit pa kasi hinayaan niya itong magluto? Iyan tuloy. Sunog na naman. Kawawa na talaga ‘yong palayok na laging nasusunugan. Zayden looked at Luna. Parang kaninang umaga lang hirap na hirap itong makatayo pero ngayon masigla na, nakasunog pa nga ng palayok na naman. Napailing na lamang si Zayden. “Let me do the cooking.” Aniya. Kung ipapaubaya niya ito kay Luna baka kakain sila ng uling. Luna watched Zayden as he made and cooked pancakes. “Bakit ang dali sa ‘yo at golden brown pa? Samantalang naging…” “Uling.” Pagtatapos ni Zayden sa sasabihin ni Luna. Luna crossed her arms over her chest. Tinignan na lamang niya ng masama si Zayden habang ito naman ay tatawa-tawa lang. But one thing that Luna realized, she was hopeless in the kitchen. Goodluck na lang sa magiging asawa niya in the future. Sana magaling itong magluto para hindi na niya aabalain ang sarili niya na mag-aral magluto dahil kung mangyayari ‘yon baka buong eskwelahan ang masunog dahil sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD