28 SILENCE filled the entire room for a moment until Jesu speaks after staring at Macy. Natutop nito ang dibdib at nahimas kaya nag-alala siya bigla. “Pa?” Tatayo sana siya pero pinigil siya ng matandang pari saka ngumiti. “I’m fine, anak.” Anito saka tumingin kay Emmanuel. “Sabihin mo na sa kanya kung ano ang dahilan at naisip mo na siya ang hinahanap mong anak.” Malumanay na utos nito kay Mister Balbas na kahit tingnan ay parang ayaw niyang gawin. Mula sa bulsa ng polo na suot ay may kinuha ito at iniabot sa kanya pero magpaka-iling-iling ang dalaga hanggang sa tanguan siya ng kanyang ama-amahan kaya tinanggap niya ang isang matigas na papel. Kinig ang kamay na napilitan din siyang abutin iyon at saka niya itinihaya. She stared at the photo for a while and all that she sees is