[Maxine's POV] "Wake up sleepy head!" "Huh!" Bigla akong napabalikwas ng marinig ko ang boses na iyon ni Lucas nakatulog pala ako sa sasakyan nito at ng ilinga ko ang aking mata sa labas ng nakasaradong bintana ng kotse ay nasa parking lot na kami ng sikat na Italian restaurant. Kung ganun panaginip lang ang lahat hindi totoong bumalik na ang alaala ni Jeff. "Nakaidlip pala ako!" Umaayos ako ng upo at bahagyang hinawi ang nagulo kong buhok. Napangiti si Lucas sa sinabi ko, kaya naman nangunot ang aking noo. "Why?" " Hindi naman idlip ang ginawa mo, actually almost one hour ka ng natutulog." "Whaaaat?" Hindi makapaniwalang sabi ko medyo lumaki pa ang mata ko sa pagkabigla. "As in seriously!" Natatawang sagot nito. "So bakit hindi mo ako ginising agad?" "Coz I don't want to dep