Maxine [ Teenage Superstars and real life sweet hearts Jeff Escarlon and Chloe Montenegro enjoying their vacation at Maldives] Yan ang caption sa i********: ng FMA ng pag bukas ko ng aking cellpone ay agad nag pop up sa aking notification. Nagdadalawang isip ako kung titingnan ko ba ang mga litrato, sa nabasa ko palang kasi ay nanginig na ang mga tuhod ko, bigla na lang akong nanghina at inaatake na naman ako ng hyper ventilation. Pero nanaig parin yung kuryusidad ko kaya kahit may pag aalinlangan man ay sinunod ko parin ang utos ng isapan ko. Sobrang na shock talaga ako sa mga pictures nung dalawa napaka sweet sa mga pose nila sa napakagandang beach resort na iyon, may kuhang magkayakap habang nakaupo sa buhanginan at tinatanaw ang paglubog ng araw, merong magkaholding hands hab