Breaking News!!! "Teen Super Star kritikal ang kundisyon matapos banggain ng rumaragasang truck ang sinasakyang kotse nito na sumadsad sa concrete barrier...." Biglang namanhid ang pakiramdam ko yung baso ng tubig na hawak ko ay bigla nalang dumulas sa mga kamay ko diretsong bumagsak sa sahig at nabasag. "Jeeefffff...... Tanging nasabi ko at bigla nalang nagdilim ang paligid. _______ Third Person's POV Hindi kinaya ni Maxine ang balita at lalo na ng makita niya ang kalunos-lunos na sinapit ng sasakyan ni Jeff kaya naman bigla nalang itong tumumba at nawalan ng malay. "Maxiine naku!Maxineeee!" Tarantang tumakbo si Sally sa direksyon ng alaga, umiiyak na ito sa nerbiyos."Tawagin niyo sila sa taas humingi kayo ng tulong." Utos nito sa mga kasama na agad namang nagsipag talima. Mga il