Maxine Hapon iyon at nakatambay ako sa likod ng school building maraming nagkalat na bench dito pero bihira lang ang pumupunta para tumambay. "Can I sit?" Awtomatikong naitaas ko ang aking ulo para makita kung sino ang nagsasalita na nakatayo sa harapan ko. "Oh! Ivan!" Nakangiting sabi ko at itinuro ko dito ang katabing upuan para siya ay umupo. "Long time no see!" Ang sabi pa nito sa aking ng maipatong ang bag at ilang libro sa lamesa. "Oo nga!" Matipid na sagot ko. "So how are you?" "Good! I'm good and I can't complain " Natatawang sabi ko. Napangiti rin ito. "So you think the universe is in favor of you huh!" Ito namang si Ivan ang lalim laging kausap may nalalaman pang "the universe is in favor of me" bakit hindi na lang kaya namin pag usapan yung kinds of planets at ang sol