Mukhang may importante tayong bisita mamaya ha anak?!" Nakangiting sabi ni Mom, hindi ko namalayan nakalapit na pala ito sa akin araw ng linggo ngayon at wala silang pasok sa opisina ni Tito David kaya naman siya ang punong abala sa mga lulutuin para sa munting salo-salo para sa aking kaarawan mamaya. Wala naman talagang bisita, si Moira at Diego ay hindi na naman namin itinuturing na iba parte na sila ng pamilya ang talagang gusto ko lang ngayong birthday ko ay makilala na nila si Jeff bilang boyfriend ko, alam kong malaking kasalanan ang nagawa ko sa kanila ng hindi ko ipaalam na ikinasal na ako pero ako man ay nabigla, sisikapin kong unti unting ipaalam sa kanila ang sitwasyon namin ni Jeff. "Ah! Mom!Andyan ka pala." "Hmmm! You seems so busy thinking of something or should I say "s