ROSETTA FLORES Gusto ko nga ring lumayas para hindi ko na makausap si Winter at alam kong kukulitin ako nito. “I am quite curious, ano ang nangyari nu’ng hinila ka ni Darion sa vacation house?” Sinasabi ko nga ba, maguungkat s’ya. “Kung ma-c-curious kayo, bakit hindi mo na lang kami sinundan?” “I can’t. You made him mad... so bad.” “Baka nakalimutan n’yong ikaw rin ang dahilan kung bakit ako napagalitan ni Boss Darion.” “So, ano nga ang nangyari? I can’t ask him these questions kaya ikaw na lang ang tinatanong ko ngayon.” Wala akong magagawa ‘kun ‘di sagutin na lang ang mga tanong n’ya. “Parang pinaparating ni Boss na hindi bagay ang mga sinuot ko kanina sa katawan ko.” “He’s telling the truth, though.” Natawa pa s’ya. “Para kang pokpok, honestly…” “Wala pong nakakatawa.” “Kun