ROSETTA FLORES ILANG segundong hindi. nakapagsalita si Boss Darion. Mukhang matatagalan pa yata s’ya bago n’ya ako mabigyan ng sagot kaya tinutok ko na lang ang buo kong atens’yon sa plato ko. Sumubo ulit ako at wala akong agahan saka tanghalian. Mauubos ko lahat ng nasa hapagkainan kung gugustuhin ko lang. “Rosetta…” Nakikita ko pa rin sa gilid ng mga mata ko kung paano napapahilamos sa sariling mukha si Boss at sinentro na ang mga mata sa ‘kin. “Rosetta, please tell me that you are just messing around with me.” “Hindi ako nakikipaglokohan sa inyo, Boss… Talagang dati ko pa gusto magkaanak pero nawawalan lang ako ng pag-asa at puro mga sira ulo ang mga pinapakilala sa ‘kin ng tatay ko… Kung hindi pangit, napunta naman lahat sa ugali… Kung mahitsura naman, kinulang naman sa kabutihan.