ROSETTA FLORES NANG kumalat sa buong nayon ang tungkol sa pag-alay sa ‘kin ng singsing ni Darion, bayanihan ang lahat para sa engrandeng salo-salo mamayang gabi. Nagkatay ng baboy, baka at kalabaw. Nag-diwang ang lahat sa magandang balita dahil alam nilang, kasalan na ang sunod. Pag-sapit ng ala siete ng gabi, nag tipon-tipon ang aking mga katribo sa camp site noon at naka-hilera ang sandamakmak na mga pagkain na kasya talaga sa buong nayon. Hindi pa nga kami kumasya sa camp site at kan’ya-kan’yang latag sa damuhan. Mas pinili nga namin ni Darion na roon pumuwesto. Naka-upo kami sa picnic blanket, kumakain sa ilalim ng maliwanag na buwan. Kasama sina Rocky at Aling Martina. Inaasikaso naman nila ang anak ko habang inuuga-uga ang rocking bed n’ya. Umuugong sa mga tainga ko ang mga h