Ako at si Prinsipe Yago AiTenshi Part 31 "Master Ned at Prinsipe Yago, natutuwa ako at nakarating kayong dalawa sa ating klase ngayong araw." ang bati ni Mr. Felix "Ano nanaman bang drama iyan Felix? Ang aga aga mo kaming ginising para dito sa kabaliwang ito." reklamo ni Yago habang nag hihikab. Hatalang antok na antok pa ito at walang kagana gana. Ako naman ay naka ngiti lang at mayroon pang notebook at balpen sa aking harapan. "Ang pag aaral po ng kasaysayan ng kaharian ng Hokunya ay mahalaga lalo't kayong dalawa ang mauupong pinuno nito sa mga susunod na taon. Ang bawat hari ay kinakailangang may malawak na kaalaman sa kasaysayan ng kanyang nasasakupan. At isa pa ay ipinag uutos ito ng mahal na hari." "Alam ko na iyan. Bakit hindi nalang si Ned ang turuan mo tutal siya ang maii