Ako at si Prinsipe Yago Season 2 AiTenshi August 10, 2014 Mabilis na gumaling ang aking katawan at kasabay nito ang malaking pag babago sa ugali ni Yago. Unti unti na rin itong natututo kung paano pahalagahan ang mga taong nag mamahal sa kanya ng lubos at isa na ko doon. At makalipas pa ang ilang mga araw ay inalis na rin nya ang linyang nag hahati sa aming silid at siya na mismo ang humiling na pag saluhan namin ang higaan doon. Kung sa bagay ay wala naman talagang masama kung mag tabi kami ni Yago sa isang kama dahil kasal naman kami at may basbas. Ang naganap sa aming dalawa ay paikot ikot at paliko likong emosyon. Nag simula kami sa pagiging mag kaaway hanggang sa gumaan ang lahat at ngayon ay nakikita ko na ang mga bagay na mas maganda at mas maaliwalas kagaya sa nakaka akit na