Ako at si Prinsipe Yago AiTenshi Sunday August 3, 2014 Part 20 Pag mulat ng aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili na nakayakap sa hubot hubad na katawan ni Yago. Hindi ako makapaniwala na nag talik na kami kahit hindi pa kami kasal. Ang pangyayari kagabi ay hinding hindi ko makakalimutan, ang lahat ay pawang isang magandang panaginip na nag tapos noong imulat ko ang aking mga mata sa magandang sinag ng araw na dumampi sa aking mukha. Noong mapatingin ako sa mukha ni Yago na noon ay tulog pa rin at nag hihilik pa. Nakaramdam ako ng kaunting pag kahiya kaya naman marahan akong bumangon at nag pasyang umalis sa kanyang tabi. Nasa ganoong posisyon kami noong biglang bumakas ang pinto at pumasok si Mr. Felix. Kita kita niya ang aming kahubaran ni Yago, kaya naman natawa nalang ito