THE WEDDING preparation starts. Tuluyan nang tumigil na sa pagtratrabaho si Denise upang tutukan ang kalagayan ng pitong buwan na si Gab. Sa mga nakalipas na buwan ay nakabantay talaga sila sa kalusugan nito. Naka-schedule na din ang operasyon nito sa susunod na taon kaya't kinakailangan nilang manatili sa ibang bansa hanggang sa masiguro nila ang pagbuti ng kalagayan nito. Their top priority is for Gab to be better. Gusto niyang maging normal na bata ito at hindi lamang malimitahan dahil sa kalusugan nito. She personally know the struggle, kaya naman ayaw sana niya iyon na maranasan ng kanilang anak. Bukod sa pag-aalaga kay Gab ay siya na din ang nagboluntaryo na mag-asikaso ng kasal nila. Ayaw man siyang mapagod ni Gian ay wala na rin itong nagawa liban sa suportahan siya or else talag