Chapter 2: Journey to Finding herself

2688 Words
"DOC gawin ninyo po ang lahat para mailigtas ang anak ko," pakiusap ni Daryll sa doctor nang inabisuhan sila nitong kinakailangan ng operahan ang isang artery sa puso ni Denise.  "We will do what we can Mr. De Vera." Sambit ng doktor bago pumasok sa operating room.  Panay naman ang iyak ni Celine at lubos ang pag aalala sa anak nila. Niyakap niya ito at inalo. Sa ganoong senaryo ito naabutan ni Jia.  Naikwento ni Celine ang ginawang pagtulak ni Jia kay Denise kaya nahulog ito sa pool. Hindi niya gustong paniwalaan ang sinasabi nito dahil tiwala siya sa asawa niya at hindi nito magagawa iyon.  "Y-yvan.." Jianne said nang lapitan siya nito.  "J-jia.. What happened there really? Alam kong hindi mo matatanggap ng buo si Denise but can you at least let her live with me.." Nanghihinang sabi ni Daryll sa asawa nito.  "W-what are you saying?"  "Celine told me what you did. And she's furious.. Makakabuti siguro kung umuwi ka muna.. I'll just stay here." "What did she tell you?"  "Itinulak mo ang anak namin." Jia was stunned with his sudden coldness.  "W-wala akong ginawang gano’n Yvan! Nadulas siya and I tried to reach her as fast as I could! Why would I push her?!" Jia was about to explain and clear everything to Daryll when Celine grabs her hair.  "Walang hiya ka! Kapag may nangyaring masama sa anak ko you'll rot in hell you bi*ch! Pati iyong anak ko idinadamay mo sa kaartehan mo!" Galit na galit na sabi ni Celine at hindi pa rin nito binibitawan ang buhok ni Jia.  Pinigilan ni Daryll na magkasakitan ang dalawa kaya naman he hold both Celine arms at pinipigilan itong magwala.  "Alam mo? Kaya ka siguro baog dahil magiging walang kwenta kang ina! Pabaya ka at walang silbe!" Sigaw ni Celine dito. She needs someone to blame. Daryll look at her wife with pleading eyes. "Umuwi ka na muna Jia. I'll stay here for a while." pakiusap nito.  Kaya naman mabigat man sa loob ni Jia ang nangyari ay pinili nyang umalis na lang muna roon.  "Daryll siya ang may gawa nito sa anak natin! Hindi ko siya mapapatawad kapag may nangyari kay Denise!" Umiiyak na sabi ni Celine and Daryll comforts Celine in front of her wife.  ISANG linggo matapos ang operasyon ay nagagawa nang magrecover at mag adjust ni Denise sa paghinga niya.  And her doctor praise her because she's brave and strong to handle it kaya naging maayos din ang lagay niya. "I'm sorry Daddy if I made you worried kayo ni Mommy." hinging paumanhin niya sa ama na isang linggong binantayan siya at hindi iniwan ang kanyang tabi.  "It's okay baby.. Just be healthy okay?" nakangiting sabi nito.  "Thank you Daddy. Where is Tita Jia po? I want to thank her also for saving me.." nakangiting sambit niya. Bago siya mawalan ng malay ay nakita niya ang pagkasagip nito sa kaniya. She really do care for her.  "Really?" nasambit nito sakanya. Tumango siya at ikinuwento sa ama ang nangyari.  Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito sa mga naikwento niya subalit sa huli ay hinalikan lang siya sa noo at pinagpahinga upang lumakas daw siya.  Isang buwan siyang nanatili sa ospital bago lumipat sa bahay nila ng Momny niya.  Doon sila nakatira sa village malapit sa bahay ng  Daddy niya kaya naman paminsan ay nagpupunta siya sa clubhouse ng village upang doon maglaro kasama ang asong regalo ng Daddy niya.  Nakilala niya si Gian doon at naging unang kaibigan niya na kapwa may alagang aso rin kaya nakasundo niya ito.  Sa nakalipas na buwan ng pagpapagaling ni Denise ay napansin niya ang pagbabago ng nasa paligid niya.  Jia left Daryll kaya doon naging agresibo si Celine na maagaw ito matapos nitong makunan kamakailan lang dahil sa naging bisyo nito.  Narinig ni Denise sa mga kasambahay na siya daw ang dahilan kung bakit iniwanan ni Tita Jia ang daddy niya.  At young age she started to overthink things. But try to be cheerful and positive for her parents dahil ayaw na niyang makadagdag sa mga problema nito.  But the family Denise was dreaming of started to fade. A year after, her mother died because of car accident at naiwan itong tuluyan sa pangangalaga ni Daryll.  Her father became workaholic at kadalasan ay naiiwan na lang siyang kasama ang mga kasambahay. Every weekend lang sila nakakapaglaro ni Gian dahil nag aaral ito habang siya ay homeschooling lamang.  "Dad can I enroll now to school?" Denise asked her Dad matapos ang naging check up niya. Sabi ng kanyang doctor ay pwede na daw siyang mag regular school.  "Yes baby. Next school year ay pwede kana sa regular school." nakangiting sabi nito sakanya. She's excited! Dahil base sa mga kwento ni Gian sa kaniya ay masaya daw ang mag school dahil maraming magiging kaibigan.  But that expectation of her did not met. Because other kids seem not to like her. Marami umaaway sa kaniya dahil hindi siya gaanong makasunod sa mga larong gusto nila because she can't do extreme activities at hindi niya masabi iyon sa Daddy niya dahil masyadong busy ito sa trabaho to even listen to her. "DENISE, Daddy will go to a business conference abroad so I will leave you to Gradma Dina mo okay? Behave there while I am away," paalam nito sakanya.  "Yes po Daddy. Take care and I'll miss you!" she said. Hinalikan siya nito at sinabihan ang kasambahay nila na igayak siya at ihahatid siya nito sa bahay ng Grandma Dina niya.  Mabait ang Grandma Dina niya unlike her Granny Clara. Alagang alaga siya roon. Ang akala niyang isang linggo lang ay inabot ng ilang buwan.  Nalungkot siya ng malamang hindi lang pala sa business conference nagpunta ang Daddy niya. Kundi pinuntahan nito ang Tita Jia niya. She overheard na may kapatid daw siya at halata ang saya ng lahat except her. Nagkulong siya sa kwarto at doon umiyak. Why can't she have them alone? AFTER 4 months ay umuwi si Daryll kasama ang pamilya nito. "Hey baby. Miss mo si Daddy?" Tanong nito sa kanya ng salubingin niya ito. Tumango lang siya at niyakap ito ng mahigpit. "By the way dito na ulit titira si Tita Jia mo and your little brother Jaden." Paliwanag ng Daddy niya at bakas dito ang kasiyahan sa muling pagbabalik ng mga ito. Nginitian siya ng Tita Jia niya at niyakap rin.  "Nice to see you again Denise."  "Me too po Tita." She just replied.  Nagtinginan lang sila ng batang kapatid niya. Bago napagpasyahan ng mga itong kumain at saka magpahinga. Nakita niyang binuhat ng Daddy niya si Jaden habang nakaalalay sa Tita Jia niya. Nakatingin lang siya sa papalayong bulto ng mga ito. Pasimpleng pinahid niya ang luha at umakyat sa kwarto niya. That's the family she's dreaming of. Pero mukhang hindi naman niya makukuha iyon. Sampid lang naman siya sa pamilya ng Daddy niya. At siguro'y walang naging problema sa mga ito kung hindi siya ipinanganak. LUMIPAS ang sampung taon at iyon pa rin ang pinakatatagong damdamin ni Denise. Na walang kahit ano ang matatawag niyang sa kanya. Kahit pa tinuturing siyang parang anak na rin ng Tita Jia niya ay hindi niya tunay na matanggap ang pagmamahal ng mga ito dahil tingin niya ay hindi siya karapat-dapat. "Denise may plano ka na ba kung ano gusto mo sa college?" His dad asked. Kakatapos lang niya ng senior high school at napag isipan niyang mabuti ang nais niyang gawin. "Yes dad. But I doubt kung papayagan mo po ako." She said. "Bakit ano ba iyon iha?" Sabi ng Tita Jia niya. Sabay sabay kasi silang naghahapunan. "I want to take Business course po."  "It's okay with me anak if that's what you want mas pabor pa nga sa akin para maging katuwang kita sa negosyo natin." Sagot agad ng daddy niya. "I want to study abroad po Dad. Where in I can simply live alone. Like a normal student do. In a simple apartment. Having a part time job. Something like that Dad." Kaswal niya na sabi niya.  Alam niyang over protective ito sa kaniya.. But not to the point na pinipigilan sa mga gusto niya. "What? Hindi ba you're too young for that? If you want an international school mayroon dito sa Pilipinas, I can send you there. Yung hindi ka pa malalayo sa amin."  Seryosong sabi nito sa kaniya. "I want to experience being independent Dad." iyon talaga ang rason niya. "And a part time job? How can you even do that? May pang pa-aral naman ako saiyo and what about your heart condition? I think what you are planning is not even feasible. Look any school here in the Philipines and I'll send you there." Seryoso pa rin nitong sabi. Hinawakan naman ito ni Tita Jia. Alam niyang hindi ito papayag but she really wanted to do this.  "Hon.. don't be too harsh on Denise.. Just let her speak up." Paalala ng Tita niya. Huminga ng malalim ang Daddy niya.  "Fine. Just give me enough reason to let you." kalmado na nitong sabi. Huminga siya ng malalim bago sumagot. "B-because I want to live on my own Dad. Ayoko pong makilala lang dahil anak mo ko. I want to create my own name.  And I want to strive for it. Work for it. Gusto kong mapatunayan sa sarili ko that I-i.. I can be w-worth it. I want to be worthy of something.. that I can say that I did it on my own."  Pinilit niyang pigilan ang luha niya habang deretsong nakatingin sa ama. "Anak.. hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin na hindi ka parte sa pamilyang to? You are my princess, you are my very own anak.." Malungkot na sabi ng Daddy niya. At napayuko nalang siya. "You're my princess. And your God's gift for me anak. Ilang ulit ba namin sasabihin at ipapakita sa iyong parte ka ng pamilyang ito. Ako, ang Tita Jia mo at ang kapatid mo mahal ka namin. You don't need to prove anything." Masuyong sabi nito at nilapitan na siya. "B-but I really wanted this Dad.. for my self po." Pinal na sabi niya. Napabuntong hininga na lang ang ama at sumang ayon sa kaniya kahit mukhang ayaw at labag iyon sa loob nito. "Fine I'll agree.. but we are here for you princess okay? I'll allow you but you need to report everything to me. Hindi kita agad mapupuntahan doon anytime because it's too far for me when something happened to you.. And don't let your dad worry about you. Understand?" Seryoso at masuyong sambit nito sa kaniya at niyakap siya. "Thanks Daddy." she replied and hugged him. Ngayon lang siya magiging firm sa desisyon niya dahil kung mananatili siyang mahina at laging nagpapaapekto sa mga naririnig niya ay hindi niya tuluyang matatanggap ang sarili niya.  "Mag iingat ka do’n parati.. and call me anytime at kahit hindi mo ko kailangan tawagan mo ko." bilin pa nito na ikinatawa niya bigla.  "Dad! Hindi pa naman ako aalis ngayon! I will spend vacation here first bago ko mag aral." natatawa niyang sabi. "Mamimiss kita ate." Sabi ni Jaden at biglang niyakap siya.  Napangiti siya ng pati ang Tita Jia niya ay niyakap rin siya. And of course her Dad follows again dahil naingit ito sa group hug nila. SHE TOOK an entrance exam online and gladly ay nakapasok siya sa isang prestigious university na gusto nya! It's an achievement unlock for her! Nakahanda na ang lahat ng requirements nya and ang apartment na titirahan niya. Dahil makulit ang daddy niya ay kinuhanan siya nito ng isang apartment malapit sa school niya upang mas maging komportable daw siya. Pina-general check up din siya nito noong nakaraang linggo upang masiguradong maayos lang ang kalagayan niya. After her heart operation noong bata siya ay bantay pa rin ng Daddy niya ang health niya to the point na quarterly ay pinapa general check up siya nito. Dahil 19 na siya ay pwede na rin siyang makapag part time doon. Everything is set. At hindi niya maitanggi ang kaba at the same time excitement sa puso niya. Hanggang sa dumating na ang araw ng pag alis niya sa bahay nila. Todo bilin ang Daddy niya pati ang Tita Jia niya and even his best friend is present para makigulo at bilinan siya. "Hoy pangit hindi pa rin tayo bati ah. Late mo na sinabing sa States ka pala mag aaral! Dapat do’n din ako! I'll try to convince my parents to transfer me there next semester para magkasama tayo." Hindi maipintang mukha na sabi ni Gian sa kaniya. "Ayaw ko ng asungot doon kaya hindi kita sinabihan!" natatawang sabi niya. "Whatever. Mag iingat ka doon ha? I'm one call away." bilin nito at niyakap siya. "I will miss you.." he whispered. "I know. Kasi wala ka na ibubully!" she hugged him back bago ito pinakawalan dahil tinawag na ang flight nila. She agreed na uuwe siya tuwing end of semester para magbakasyon  kasama ang family nila. "Princess. Ingat ka don ha. Don't let them take advantage on you. Just call me when you need anything okay?" Tumango siya sa ama ng nakangiti. "And if you're tired. Sabihin mo lang sa akin and I will get you out there. Mahal na mahal ka ni daddy." Mahinang sabi nito at tila ayaw pakawalan siya base sa pag kakayakap nito. "Dad naman. Uuwe pa din naman ako ah." natatawang sabi niya sa hindi maubos na bilin ng Daddy niya.  "Basta mamimiss ko ang prinsesa ko." Doon siya napangiti. "I will miss you too Daddy.. I love you po."  Nagpaalam din ito kay Tita Jia at Jaden na sasamahan muna siya doon ng tatlong araw bago magsimula ang klase niya. Nagpaalam na siya at sisimulan na niya ang pamumuhay ng mag isa. PAGPASOK pa lang niya sa klase ay naculture shock siya. Ibang iba ito sa Pilipinas, wala siyang kakilala kahit na sino at kakaiba ang environment.  Huminga siya muli ng malalim at tinahak ang building na papasukan niya. She silently observed everything and listen what the Professor said and do. After her class ay nagpunta na siya sa isang Filipino restaurant doon na inirekomenda ng Tita Jia niya dahil kakilala daw nito ang may ari na pinoy rin at mga pinoy din ang mga trabahador doon. Doon ay inorient siya ni Lei sa gagawin niya. Ililigpit lang daw ang mga kalat sa bawat table after umalis ng costumer.  Dahil self service doon ay hindi na kailangan pang ihatid sa mga ito ang orders nila unless they really need help. Mahirap sa una pero alam niyang masasanay din siya. Natapos ang unang araw niya sa trabaho at umuwi siya sa apartment niya. Solo niya iyon. Maliit pero sakto lang talaga para sa kaniya. Her dad made sure of her safety at komportable pa din kahit malayo ito. Wala na siyang magagawa sa pagka protective nito kaya hinayaan na lang. Anyways it's for her naman kaya kahit ayaw man niya ay wala na din siya magagawa kaysa pauwiin siya nito.  Binuksan niya ang ref at nagluto ng kakainin niya for dinner. Habang naghihintay, she open her new f*******: account kung saan iilan lang ang friends niya.  Nakita niyang iniadd sya ni Lei at agad naman niyang iniaccept. Her phone rang at napangiti ng makita kung sino ang tumatawag. "Kapre!" She exclaimed. "Wow. Hindi halatang miss mo ‘ko ahh." Natatawang sabi nito from the screen dahil nakipag videocall ito sa kanya. "Of course I missed my best friend. Anyway how's life there?" "I'm good! Well always. Haha! Ikaw? How's my independent friend there?"  "I'm happy here! I have a new friend. And I survived my first day at work! I am so productive today!" Masayang sabi niya at ikinuwento dito ang nanyari sa kaniya. She called her Dad too gaya ng bilin nito sa kaniya at ilang oras din sila nagkwentuhan nito at walang sawang binibilinan siya nito. That night Denise contently smiled and prayed before she sleep. Dear Lord.. thank you for this productive day for me. And I pray for your guidance and strength for this journey everyday. Amen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD