NAALIMPUNGATAN si Denise dahil nilalamig siya. Kaya naman hinila niya ang kumot upang takluban ang katawan niya. "Hmm..." Nakarinig siya ng mahinang ungol ngunit alam niyang hindi siya iyon. Laking gulat na lamang niya nang may maramdamang may yumakap sa kaniya mula sa likuran. Agad na nagdilat ng mata si Denise at hinarap ang mapangahas na yumakap sa kanya. At gayon na lang ang gulat nang makitang si Gian ang nakayakap sa kanya. Nakahubad baro ito at nakapikit pa. "Ahhhhh!" Malakas siyang napatili at agad tinulak ng malakas ang katabi. Napatingin siya sa sariling katawan na walang saplot na kahit isa. "Argh..." Daing ni Gian at kakamot kamot na tumayo mula sa pagkakahulog nito sa kama. Napatili siyang muli dahil sa nakita. Gian is standing naked and proud in front of her. She can't