UNEXPECTEDLY simula ng magising si Denise ay magaan ang pakiramdam niya. Marahil iyon ay dahil nasabi na niya sa Daddy niya ang lahat ng kinikimkim niya nang mahabang panahon. Good mood siya kaya naman pagkagising ni Gian ay inaya niya ito sa Mall upang magpasamang bumili. At dahil weekend naman at wala itong trabaho ay pumayag agad si Gian doon. Pero habang kumakain sila sa isang restaurant ay may babae na lamang na yumakap kay Gian mula sa likod nito at muntik ng halikan ang lalaki kung hindi ito mabilis na nakaiwas. Agad siyang tinignan ni Gian at lumipat ng upo sa tabi niya upang makalayo sa babae at tila nagpapaliwanag agad ang paraan ng tingin nito sa kanya. "Hey! Gian it's me, Victoria. Hindi mo na ba ako natatandaan? You said you'll treasure our moments together." Maarteng