"CAREFUL baka ma-empatso ka na sa dami ng kinakain mo." Bawal ni Gian sa kanya nang maabutan na naman siya nitong kumakain. Nakahiligan niya ang pagkain nitong mga nakakaraan linggo at hindi na niya halos nababantayan ang diet niya. Napapansin na din niya ang paglobo ng katawan niya lalo na ang kanyang braso at mga binti kasabay na rin ng paglobo ng halos pitong buwan niyang tiyan. "Ang sabi mo I should eat more, kasi dalawa na kami ni baby na kailangan ng nutrients?" Pangangatuwiran niya at kinain muli ang avocado salad na ginawa nya. Mga healthy foods pa rin naman ang kinakain niya gaya ng mga prutas at gulay, iyon nga lang ay madalas siyang kumain. Every two to three hours yata ay kumakain siya. Hindi na rin kasi siya muna lumalabas ng bahay kaya upang maibsan ang pagkainip ay kumak