"ASAWA NIYA." Proud na sambit niya pero natawa ng malakas ang babae sa kanya na ikinakunot ng noo niya. "Nagpapatawa po kayo Ma'am! Kanina na nga hindi alam ni Boss ang pangalan ninyo, tapos magpapakilala kang asawa niya? Naku, umalis na lang po kayo at hindi po kayo ie-entertain ni Boss." Natatawa pa ring sabi nito na tila isang malaking biro ang sinabi niya. Naiinis naman siya sa sitwasyon niya ngayon pero desisyon naman niya kasi kung bakit hindi alam ng lahat na mag asawa na sila. She wants it to remain private, kaya iilan lang ang nakakaalam ng kasal nila. Hindi naman iyon isang sagradong lihim, ngunit hindi rin nila inaanunsyo na mag-asawa sila. They just let people think what they want. Pero nakakainis din pala lalo at ayaw siyang paniwalaan na asawa siya ni Gian. "Just call h