Nang magtungo si Lin Xui Ying sa kaniyang tent ay wala na roon si Li Xie. Kalagitnaan na ng gabi at hindi na rin naman siya nagtataka na wala na roon sa tent pa si Li Xie matapos ng kanilang pag-uusap kasama ang mga opisyales. Upang hindi mahalata na nanghingi sila nang tulong kay Li Xie upang mahuli ang ilan sa mga traydor ay nagpagawa sila nang pagpupulong. Nagtataka man ngunit wala rin namang magagawa ang mga opisyales dahil kahit na isa silang noble kung pagbabasehan ang estado sa lipunan at ang ranggo sa loob ng kampo ay wala pa rin naman silang laban kay Lin Jing at Lin Xui Ying. Sa huli, sila rin naman ang pumunta at naki-isa sa pagpupulong. Samantala, si Li Xie naman ay nakaupo sa isang sanga ng puno at nakatitig lamang sa tatlong pinaghihinalaan ni Lin Jing at Lin Xui Ying. An