---------- "Nak gising na maaga tayo pupunta kay daddy", sabi ni Lea at habang tinatapik sa braso ang anak. Nagkusot ng mata si Tyler. " mamaya na mommy inaantok pa ako", Nagbuntong hininga muna siya bago nagsalita sa anak. "Ok sige, maliligo muna ang mommy dapat nakabangon kana pag labas ko ng banyo. Tumayo na si Lea at inihanda ang susuotin nilang mag-ina. Nang matapos ay bumaba na siya at nagtimpla ng kape. Gising na din ang nanay at tatay niya na naghahanda ng agahan. Ilang minuto din siyang nakipagbiruan sa ama bago pumasok sa banyo. Rinig na rinig ang boses niya sa banyo habang kumakanta. Mayamaya ay kinatok siya ni Tyler. "mommy ang tagal mo nawiwi na ako", "Wait lang baby patapos na ko. Agad siyang nagbanlaw at pinulupot ang tuwalya sa katawan. Lumabas siya ng banyo na nak