Hindi na niya kinaya. Napahagulgol na siya ng iyak. " auntie hindi ko kaya ang sakit sakit na", Bigla siyang niyakap ng kanyang auntie at hinaplos ang kanyang likod para mahimasmasan siya. "Alam mo hija, pagsubok lang yan. Kung para sayo si park kahit anung taboy mo sa kanya ay babalik pa rin siya sayo" Lalo siyang humagulgol sa iyak. Tila tumagos sa puso niya ang sinabi ni auntie lora. "Auntie......" naiiyak na sabi niya. ------ "Hija nandito si Park, kakausapin ka daw". Sigaw ni auntie sa kabilang pinto. Natigilan si Lea sa pag aayos ng kama. Parang biglang nanikip ang dibdib. Kahit anu kasing taboy niya kay Park ay halos araw araw itong pinupuntahan siya. Nakikiusap na mag usap sila. Hindi agad siya nakasagot. " hija nandito siya sa sala lalabas muna ako may bibilhin lang s