Naalipungatan si Lea, pumunta siya ng kusina upang uminum ng tubig. Huminto siya sa paglalakad pabalik sa kwarto. Nakita niyang nakapikit na si Park. Nilapitan niya ito. "Ngayon ko lang napansin na gwapo ka pala" bulong niya habang pinag mamasdan ang mukha nito. Napabalikwas siya ng tayo nang gumalaw ito. Akmang tatalikod na siya ngunit bigla siyang hinatak nito sa braso. Napahiga siya sa tabi nito. Napalunok siya. Naramdaman niya ang mga muscle nito. Natigilan siya sandali. Lea wag kang magpaapekto sabi ng isip niya. Tinanggal niya ang mga braso nito na nakayakap sa kanya at nilingon niya ito. Magkalapit na naman ang kanilang mga mukha. Naka ngisi ito. Napa kunot noo siya. " pinag titripan mo ba ako?". "No, ikaw ang lumapit, remember" nakangising sabi nito. Pinanlakihan niya it