Nakauwi si lea nang bahay mabuti nalang ay gising na ang tatay niya, ito ang nag bukas ng gate. Hindi ito nag tanung sa kanya kung san siya natulog. Alam niyang may idea na ito kung saan. Nakita niyang ngumiti ito na tila may gustong ipahiwatig. Napailing na lang siya at agad na umakyat sa taas. Nakita niyang mahimbing ang tulog nang anak. Halos alas-tres pa lang ng madaling araw kaya ramdam niya pa ang antok tumabi ito sa anak at natulog ulit. -------- Park POV Hindi maalis sa mukha ko ang ngiti. Nung maalala ang nangyare kagabe. Yun ang pangalawang beses na may nangyare samen ni Lea. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa mga kilos at halik niya alam ko yun dahil hindi na siya lasing. Ganun pala siya kailangan pang pilitin bago pumayag. Bigla akong natawa ng bahagya dahil sa mga reaksyon