"Nalaman na niya?! Gulat na sigaw sa'kin ni Jake pagkatapos niyang gamutin ang sugat ko. Naikuwento ko na sa kanila ang nangyari sa pagitan namin ni Louise at kung paano niya ito nalaman. Nakasandal lang ako sa sofa at nakatingin sa labas ng aking bintana. "I told you Wal na sabihin mo na kay Louise, hindi malabong hindi niya malaman 'yon. Syempre iisipin niya talaga na kaya mo siya minahal dahil kamukha siya ng asawa mo," mariing sambit sa'kin ni Jake. "Bro, anong gagawin mo ngayong nalaman na ni Louise?" Napatingin naman ako kay Roco na mataman ding nakatingin sa akin at hinihintay ang aking isasagot. "I will tell her everything, lahat ng gusto niyang malaman" "Paano mo gagawin 'yon bro galit nga siya sa'yo, I think bigyan mo muna siya ng space kasi baka lalo lang lumala ang sitwasy