Natapos na ang medical mission namin sa Quezon ay umuwi na rin kami sa Manila at kasama na namin si Ysmael. Ako na muna ang magiging guardian niya sa ngayon habang hindi pa namin napagdedesisyunan ito ng mga magulang ko. Doon muna siya sa mga magulang ko titira para may kasama s'ya kahit papaano. Sa ospital na muna kami dumeretso ni Louise para kunin ko ang mga ibang gamit ko sa aking opisina. Pinagbuksan ko naman siya ng pinto ng kotse at matamis na ngumiti sa akin, sunod namang bumaba si Ysmael mula sa back seat. "Pupunta ka ba muna sa opisina mo hon?" Gulat naman niya akong tinitigan. "Why hon my problema ba?" "Please don't call me that kapag nandito tayo sa ospital," mahinang wika n'ya sa'kin. "Ah oo nga pala sorry Doctora Alcantara," ngumiti naman ako sa kan'ya. "Love!" Sabay na