Padabog akong lumabas ng ospital at napabuga nang malakas sa hangin. Huminto ako sandali at tinignan ang labas ng ospital.
"Sino ba yung baliw na 'yon!? Nasabi ko na lang sa aking sarili. Napapitlag ako ng muling tumunog ang aking telepono. Nakalimutan ko itong sagutin dahil sa nangyari kanina at dahil na rin sa pagmamadali ko. Nakita ko sa screen ng cellphone ko ang pangalan ni Kristoff kaya sinagot ko ito kaagad.
"Hello Kristoff"
"Hi love I'm on my way, malapit na 'ko just wait a little bit okay?
"O-okay, nandito na ko sa labas ng ospital"
"Okay love, I love you! matapos kong makipag-usap sa kan'ya ay ibinaba ko na ang tawag. Nasa malalim ako ng aking pag-iisip ng biglang dumating si Kristoff ng hindi ko namamalayan.
"Love"? Tawag niya sa akin na hindi ko napansin na nakalapit na pala siya.
"Ha? I-I'm sorry hindi kita napansin". Kanina ka pa ba?
"Kararating ko lang love, may problema ba? May pag-aalalang wika n'ya sa 'kin.
"Wala naman may iniisip lang ako, lets go? Yaya ko sa kan'ya at pinagbuksan naman niya ako ng pinto ng kotse. Tahimik lang kaming bumabyahe ng siya na ang bumasag ng katahimikan.
"Love masama ba ang pakiramdam mo? Sinulyapan ko naman s'ya at kita ko sa mata niya ang pag-aalala kahit na nakatutok pa rin s'ya sa daan. Hindi ko naman alam kung sasabihin ko ba sa kan'ya ang nangyari kanina. Pero mas maigi na rin na wag ko nang sabihin dahil ayoko rin siyang mag-alala.
"Pagod lang ako Kristoff saka masakit din kasi yung ulo ko". Pagsisinungaling ko na lang sa kan'ya.
"Ganoon ba? Uminom ka na ba ng gamot?
"Pag-uwi ko na lang sa bahay"
"Love wag ka masyadong magpapagod okay?
"Opo". Nangingiti kong turan sa kan'ya".
As usual I go to Celestine’s grave every week before I go to the hospital. I gently caressed his tombstone and smiled bitterly.
"Baby can you hear me"? Wika ko habang nakatingin sa kan'yang lapida.
"I saw a woman who really look exactly like you". Siya ba ang pinadala mo para sa 'kin? Ang mukha n'ya at ang boses n'ya ikaw na ikaw baby". Why? Why are you doing this to me Celestine? Mga tanong na gumugulo sa aking isip. Simula noong makita ko ang babaeng kamukhang kamukha ni Celestine ay hindi ko na s'ya maalis sa isip ko. Sino ba siya? Bakit kamukha niya ang asawa ko?
"f**k"! Mura ko habang nagmamaneho na ako papuntang ospital. Mahigpit naman ang kapit ko sa manibela, at medyo napabilis din ang patakbo ko. Hindi ko napansin na meron palang babaeng patawid at mabuti na lang ay nakapagpreno ako kaagad. Lumabas ako kaagad ng sasakyan ko para tignan kung okay lang siya. Nakita ko s'yang nakaupo na sa semento at nakatabing ang mahabang buhok nito sa kan'yang mukha.
"Miss okay ka lang ba? Pasensya ka na ha? Hindi kasi kita napansin eh"
"Hinawi naman niya ang kan'yang buhok na tumatabing sa kan'yang mukha at masama akong tinitigan. Pareho pa kaming nagulat nang makilala namin ang isa't-isa. Mabilis itong tumayo at hinarap ako.
"Ikaw na naman!? Gusto mo ba akong patayin ha!? Singhal niya sa 'kin na salubong ang mga kilay. Hindi naman ako makapagsalita at nakatitig lang sa kan'ya.
"O ano napipi ka na?
"Hindi ko sinasadya nagmamadali kasi ako eh". Dadalhin na lang kita sa ospital para macheck kita kung may pilay ka"
"What!?
"Don't worry miss I'm a doctor". Magkamukha nga sila ni Celestine pero magkaiba naman sila ng personalidad.
"Hindi na kailangan kaya ko na ang sarili ko"! Pinulot naman niya isa-isa ang mga gamit niya na nagkalat sa sahig.
"May I know your name? Natigilan siya at mataman akong tinitigan.
"Sorry I dont talk to strangers!
"Kaya nga tinatanong ko ang pangalan mo para hindi na tayo strangers"
"Pilosopo ka no!?
"Ang sungit mo no?
"Wala kang pakialam! Sabay tayo niya at pinagpag ang kan'yang damit.
"Ako na nga ang nagmamagandang loob sayo tapos ikaw pa ang galit"
"So dapat bang ipagpasalamat ko sayo kasi muntik mo na 'kong masagasaan!? Napabuntong hininga na lang ako at tinitigan siya. Galit ang kan'yang mukha at salubong ang mga kilay. Ganito pala ang itsura ni Celestine kapag galit na galit. Oo nga at pareho sila ng mukha pero magkaiba sila ng ugali. Masyadong masungit ang isang ito.
"Sumabay ka na lang sa 'kin"
"No need! Kaya ko na ang sarili ko" matapos n'yang sabihin 'yon ay mabilis niya ko tinalikuran at naglakad palayo.
"She's different" wika ko sa aking sarili habang nakatanaw sa kan'ya palayo. Pumasok na 'ko sa aking sasakyan saka umalis sa lugar na 'yon. Pagkarating ko sa aking opisina ay naupo muna 'ko sa sofa at isinandal ang aking likod at saka pumikit. Kahit nakapikit ako ay mukha ng babaeng iyon ang nakikita ko. Napamulat ako at inihilamos ang mga palad ko sa aking mukha.
"s**t! Who is she? Bulong ko sa aking sarili
"Hey wal! Bungad ni Jake na kapapasok lang sa aking opisina. Naka scrub suit pa ito at halatang kakatapos lang ng surgery niya.
"Tapos na surgery mo? Tanong ko sa kan'ya nang makaupo na siya sa aking harapan.
"Yup! May nagpaayos sa 'kin ng ilong kanina lang. "Baka may gusto kang ipaayos?
"Ano namang ipapaayos ko? Guwapo na 'ko hindi na kailangan"
"Woooah! Talaga lang ha? Baka kako gusto mong ipaayos 'yang puso mo?
"Siraulo ka talaga dami mong kalokohan! Tumayo naman ako at umupo sa aking swivel chair.
"Siyanga pala Wal, nabalitaan mo ba?
"Ang alin?
"May bago daw Doctor sa Pediatric Ward". Saka maganda raw!
"May girlfriend ka na Jake kung kani-kanino ka pa tumitingin." Saka sinabi na sa 'kin ni Marco 'yan"
"Ano ka ba hindi para sa 'kin kundi para sayo" natigilan naman ako sa aking ginagawa saka siya hinarap.
"Jake p'wede ba ha?
"Wal just take a look lang baka magustuhan mo siya, at isa pa hindi naman namin sinasabi sayo na kalimutan mo na si Celestine. "Alam naman namin na hanggang ngayon ay nasa puso mo pa rin s'ya kahit na pagbali-baligtarin mo ang mundo hindi na siya babalik. "I think it's time for you to move on". Napayuko ako at matamang nag-isip. Tama naman si Jake, kahit anong gawin ko at kahit na hindi pa ako magka-asawang muli ay hindi na mabubuhay si Celestine.
"Jake nakita ko ulit siya"
"Who?
"Iyong kamukha ni Celestine"
"Are you sure Wal?
"Yes Jake, and this time hindi lang siya basta guni-guni lang". "She's real at isa pa hindi lang isang beses ko siyang nakita. Muntik ko pa siyang masagasaan kanina.
"What!?
"Kamukhang kamukha niya si Celestine, iisipin ko ngang may kakambal siya eh"
"Paano namang magkakaron siya ng kakambal? E 'di sana sinabi na sayo ng mama niya na may kambal si Celestine"
"Naguguluhan ako Jake, kung hindi lang natin alam na namatay si Celestine iisipin nating siya yon".
"Alam mo Wal bigla akong kinilabutan"
"Bakit? Kunot noo ko siyang tinitigan.
"Kanina ko pa tinitiis 'to eh"
"May masakit ba sayo?
"Oo Wal, masakit yung tyan ko natatae ata ako! Napabuntong hininga naman ako at tinignan siya ng masama.
"Lumayas ka na nga dito Jake! At ilabas mo na yang kanina mo pa pinipigilan dahil sa kakatsismis mo! Nagmamadali naman siyang lumabas at hawak pa nito ang kan'yang pang-upo. Naiiling ko naman siyang tinitigan. Sumandal ako sa aking swivel chair at hinilot ang aking sentido. Sumasakit na ulo ko sa kakaisip kung sino ba talaga ang babaeng 'yon.
Padabog akong pumasok sa loob ng aking opisina at inihagis ko naman sa upuan ang aking bag. Nakapameywang naman akong humarap sa aking lamesa at napabuga ng malakas sa hangin.
"Nakakaasar talaga! Bakit ba kasi palagi ko na lang siyang nakikita!? Hindi porket guwapo siya ay__ napahinto akong bigla sa susunod kong sasabihin.
"Teka sinabi kong guwapo siya? Haa! Hindi siya guwapo, mas guwapo pa nga sa kan'ya si Kristoff no! Napaka antipatiko kainis! Nagpapadyak pa ko sa sobrang inis sa kan'ya.
"Akala ata niya nakalimutan ko na 'yung ginawa niya sa 'kin ah! Siguro naman hindi ko na siya makikita pa!
"Doctora Alcantara"
"Ano!? Gulat ko siyang hinarap, ganoon din ang nurse na tumawag sa akin.
"I-I'm sorry hindi ko sinasadya, sorry talaga may iniisip lang ako.
"Okay lang po Doctora, pinapatawag po pala kayo ni Dra. Geronimo"
"Sige salamat susunod na ako" kaagad na lumabas ang nurse at inaayos ko naman ang aking sarili.
"Erase erase erase! Iwinasiwas ko pa ang aking kamay sa ere. "Kailangan goodvibes lang" huminga muna 'ko ng malalim bago lumabas ng aking opisina.