THIRD PERSON POV: Pagkalabas ni Shania ay tinitigan naman ni Louise ang mga pagkaing dala ni Sha-Sha para sa kan'ya. Napangiti naman siya dahil alam na alam niya ang paborito niyang kainin. "Ano bang nangyayari sa kan'ya bakit ang dami niya yatang binigay sa aking pagkain?" nasabi niya sa kan'yang sarili. Sinimulan niyang tikman ang soup, at dahil sa gutom na rin siya ay naubos naman niya itong kaagad. Maya-maya ay nakita naman ni Louise na umilaw ang kan'yang telepono na nakapatong sa lamesa. "Naka-silent pala itong phone ko, saka bakit tumatawag si Sha-Sha? May nakalimutan kaya siya?" wika niya sa kan'yang sarili. Sasagutin na sana niya ngunit nakaramdam siya ng pangangati ng mukha at medyo hindi na rin siya makahinga. Uminom naman siya ng tubig pero nabitawan niya ito pagka-inom n