CHAPTER 8

1439 Words
Nandito ako ngayon sa garden at umiinom ng beer. Hindi muna ako umuwi sa Condo ko ngayon dahil dinalaw ko ang mga magulang ko dito sa bahay, matagal ko na rin kasi sila hindi napupuntahan dito simula nang lumipat uli ako sa Condo Unit ko. Napatingala naman ako nang tapikin ni papa ang aking balikat at umupo sa aking tabi. "Hindi ka makatulog anak?" Tanong sa 'kin ni papa at nagbukas ng kan'yang beer in can at ininom. "Nagpapaantok lang ako pa. " pareho kaming nakatingin ni papa sa liwanag ng buwan. Kay gandang pagmasdan, parang si Celestine ang gandang pagmasdan ng kan'yang maamong mukha kailanman ay hindi ko ito pinagsawaang titigan. Bigla kong naalala ang kamukha ni Celestine. Magkamukhang magkamukha talaga sila pero magkaiba ng ugali. Nakalimutan kong itanong sa kan'ya ang pangalan niya, and I'm sure hindi din naman niya sasabihin sa akin unless kung itatanong ko na lang sa mga nurse sa E.R. "Pa, tawag ko sa aking ama habang nakatingin pa rin ako sa buwan. "Ano 'yon anak?" "Di ba matagal niyo ng kilala ang mama ni Celestine?" "Oo anak, pero ang mama mo matagal na silang magkaibigan ni mama Celicia mo hindi pa kami mag-asawa ng mama mo noon" bakit mo naitanong? Umayos naman ako sa aking pagkakaupo at tinitigan si papa na ngayon ay seryoso ding nakatingin sa akin. Huminga muna ko nang malalim saka muling nagsalita. "Pa, may nakita po kasi akong babae kamukhang kamukha ni Celestine" kita ko naman sa mukha ng aking ama ang pagkagulat. "Sigurado ka ba dyan hijo?" "Yes pa, kabisadong kabisado ko ang mukha ng asawa ko. Kahit nakapikit alam ko ang itsura niya." Saglit natigilan si papa at wari ko'y nagtataka sa aking sinabi. "Pa wala ba kayong alam na may kakambal si Celestine?" "Hijo noong ipinanganak ni mama Celicia mo si Celestine nag-iisa lang talaga siya" "I'm just wondering pa, mapagkakamalan mo nga silang kambal eh." pagkasabi kong iyon ay sumimsim naman ako ng alak. "Saan mo siya nakita anak?" "Noong una sa beach, remember noong nagbeach tayo nila Marco? Tumango naman si papa. "And then sa Southville Hospital naman siya ngayon nagtatrabaho." Lalong nanlaki ang mata ni papa sa kan'yang narinig. Maging ako noong una ay hindi rin talaga makapaniwala. "Alam na ba yan ng mama Celicia mo?" "Hindi pa po papa. Hindi ko muna pinaalam sa kan'ya baka kasi bigla siyang magpanic at pumunta sa ospital. Aalamin ko ang lahat-lahat sa kan'ya pa kung sino ba talaga ang babaeng kamukha ni Celestine." "O anak may gwapo ba riyan sa plato mo at kanina mo pa 'yan tinititigan?" Biro sa akin ni mamu Dyosa. "Naiinis lang kasi ako mamu Dyosa eh! Pabagsak ko namang ibinaba ang kutsarang hawak ko dahilan nang pagkagulat nila mamu Dyosa at mamu Edna. "Ano bang problema mong bata ka? Aatakihin ako sa puso sayo eh" wika ni mamu Edna. "Sa nakikita kong itsura mong iyan mukha kang bulaklak na walang dilig. Tawagan ko na ba si Kristoff para diligan ka?" Nanlaki naman ang aking mga mata dahil sa sinabi ni mamu Dyosa. "Mamu! "Joke lang anak! Bakit ba kasi bad mood ka?" "Meron kasing bastos na Doctor doon sa pinapasukan kong ospital, nakakaasar! Napaka-antipatiko pa!" "Louise naman mabibingi kami ni mamu Edna mo dahil sa kasisigaw mo eh" "Paano ba naman kasi nakakainis eh!" "Alam mo anak, dahil sa kagaganyan mo baka bigla kang mainlove sa kan'ya" "Naku mamu Edna 'yan ang malabong mangyari" Naku anak d'yan nagsimula ang nanay at tatay ko no" matanong nga kita anak gwapo ba?" "Tumigil ka nga riyan Eduardo ah! Umiral na naman iyang kalandian mo" "Hoy Diosdado! tinatanong ko lang naman itong anak natin" napahilot naman ako sa aking sentido dahil sa dalawa kong ina-inahan. "Yes he's handsome pero antipatiko!" "O talaga anak!? Naku Louise ayun nga ang maganda sa lalaki wild" "Ikaw talaga Eduardo! "Joke lang naman! Napairap naman si mamu Edna. "Louise anak, tama ang mamu Edna mo baka nga bigla kang mainlove diyan sa Doctor na 'yan? "Mamu it will never happen, saka isa pa napag-isipan kong subukang mahalin si Kristoff" "Louise wag mong subukan dahil iyan kusang nararamdaman 'yan dahil dadating ang panahon hindi mo namamalayang mahal mo na pala siya" natahimik ako sa sinabi ni mamu Dyosa. Sana nga dumating na yung panahon na maibalik ko naman sa kan'ya ang pagmamahal na binibigay sa akin ni Kristoff. "Maraming maraming salamat po Doctor Miller" naiiyak na wika sa akin ng ina ng bata. Naging successful ang isinagawa naming operasyon at ililipat na rin siya sa private room. "Walang anuman po Mrs. obligasyon po naming iligtas ang anak niyo" nakangiti ko namang sagot sa kan'ya. "Siyanga po pala, ano pong pangalan n'ong Pedia na tumingin sa anak niyo? "Ah si Dra. Alcantara po" "Dra. Alcantara" ulit ko sa kan'yang sinabi. "Sige po Mrs. mauuna na po ako" "Salamat po ulit Doctor Miller" bago ako pumunta sa aking opisina ay pupuntahan ko muna si Jake dahil wala pa naman akong gagawin at katatapos lang din ng surgery ko. Katulad ng nakasanayan ko basta-basta na lang akong pumapasok sa opisina niya ganoon din ang kay Marco. Muntik pa siyang masamid sa iniinom niyang tubig pagkakita sa akin. "Ano ka ba Wal nakakagulat ka naman! Singhal sa 'kin ni Jake. Umupo naman ako sa kan'yang sofa at ipinatong ko naman ang aking paa sa center table. "Hindi pa ba kayo sanay sa 'kin?" Not unless kung may ginagawa kayong kapotpotan sa loob ng opisina niyo? "Hoy Wal hindi ako nagkakalat ng mga tyanak dito sa loob ng opisina ko no, sino kaya sa atin ang palaging may tyanak sa opisina?" "Noon yon" "Akala ko ba Wal alagang Vitamin S yan?" Lanta na ata yan eh." "May kamay ako Jake" "Akala ko ba ayaw mong gamitin yan kasi pakiramdam mo nirerape mo ang sarili mo?" "Tumahimik ka na nga d'yan! Naiinis kong saad sa kan'ya at tumawa naman ito. "So what brings you here?" Umayos muna ako sa aking pagkakaupo at pinagsiklop ko ang aking mga kamay. "Do you know Dra. Alcantara?" "Yes, naririnig ko palagi ang pangalan niya lalo na sa mga lalaking nurse." Bentang benta talaga siya" at saka siya 'yong maganda na taga Pediatric Ward, yung kinukwento ko sayo, kaso hindi ko pa s'ya namemeet naririnig ko lang sa kanila." Napaisip naman akong bigla sa sinabi ni Jake. Naalala ko naman ang sinabi sa akin ni Kristoff na Pediatrician ang girlfriend niya dito. "Bakit Wal nakita mo na siya?" Maganda ba talaga?" "Yes" tipid kong sagot at nakatitig pa rin ako sa kan'ya. "What do you say about her? "She looks like my wife" kita ko ang pagkunot ng kan'yang noo. "Lahat na lang ng nakikita mo kamukha ng asawa mo eh" "Jake siya yong nakita ko sa beach noong sinabi kong may nakita akong babae na kamukhang kamukha ni Celestine. "Really?" Wow napaka liit naman ng mundo" "Kapag nakita mo siya Jake talagang hindi ka rin maniniwala" "Sigurado ka ba Wal na walang kakambal si Celestine?" "I ask my father about that" isa lang daw ang lumabas at si Celestine 'yon. "Pero sa sinasabi mong 'yan na kamukhang kamukha niya ang asawa mo talaga namang nakakapagtaka" "Iyan din ang iniisip ko." Sandali pa kaming nanatili ni Jake sa kan'yang opisina at pagkuway inaya ko naman siyang kumain ng tanghalian. Naglalakad kami ni Jake palabas na nang ospital ng bigla na lamang siyang napahinto sa paglalakad kaya napahinto na rin ako at tinitigan siya. Nagtaka naman ako dahil nakatulala lang siya na para bang may nakitang kakaiba kaya sinundan ko ang kan'yang tingin. Nagulat naman ako sa aking nakita, si Dra. Alcantara kausap ang isang nurse sa di kalayuan sa amin. Katulad ni Jake, ganito ang naramdaman ko noon nang una ko siyang makita. "s**t Wal, you're right! Para nga talaga silang kambal!" "I told you Jake" "Kung hindi lang talaga natin alam na namatay si Celestine mapagkakamalan nating siya iyan." Mas lalo pa kaming natigilan nang papalapit ito sa aming kinaroroonan. "Doctor Miller" tawag nito sa akin, kaya naman napatinging bigla sa akin si Jake at nagtataka. "Successfull daw ang operasyon" "Ah yes" "Thank you" "That's all you can say?" Kunot noo naman niya akong tinitigan. "What do you mean?" Lumapit ako sa kan'ya at bumulong. "Date me" "A-ano!? Dahil sa malakas niyang pagkakabigkas noon ay nagtinginan naman ang mga taong nakapaligid sa amin. Ganoon din si Jake na taka kaming tinitigan. "Let's go Jake" tumalikod na ako at hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita. Pero rinig ko ang pagsigaw niya sa aking pangalan. Aalamin ko kung sino ba talaga siya at bakit niya kamukha ang asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD