CHAPTER 3

1240 Words
"Are you ready Love?" Masayang tanong sa akin ni Kristoff nang makasakay na kami sa kan'yang kotse. Ngayon kasi ang araw nang paglipat ko sa Southville Hospital at sinundo naman ako ni Kristoff para ihatid. "Of course I'm ready! Nakangiti ko namang sagot sa kan'ya. Ang totoo n'yan ay medyo kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Wala pang isang oras ay nakarating na kami sa ospital nagtanong naman kami sa information kung nasaan ang Pediatric Ward. Nagtungo naman kami doon at hinanap ang office kung saan pwede ako magreport. Binigay ko lang ang ibang mahahalagang papeles ko at sinabi sa akin ang schedule ng pasok ko. Sunod naman kaming pumunta ni Kristoff sa magiging opisina ko. "Wow! Ang laki rin pala ng opisina mo" manghang wika ni Kristoff at naupo naman s'ya sa isa sa mga upuan dito sa loob ng magiging opisina ko. "O bakit parang malungkot ka? "Hindi ko alam para kasing bigla akong kinabahan eh" "Love, naninibago ka lang siguro. Gusto mo bang dalawin kita dito araw-araw? "Ano ka ba ginawa mo naman akong bata okay lang ako Kristoff. Siguro naninibago lang talaga ako dahil mag-aadjust na naman ako," lumapit naman s'ya sa akin at inakbayan ako. "Don't worry Love wala naman sigurong mangangagat sayo dito," pinalo ko naman siya ng mahina sa kan'yang dibdib na ikinatawa niya. "Biro lang. Siyanga pala Love may nakilala akong doctor kahapon 'yong gumamot sa naaksidente ko. He's nice and handsome. Balak ko nga s'yang ipakilala sayo ngayon eh." "Bakit naman? "Kasi kinuwento kita sa kan'ya at sabi ko kapag nagkita kami ipapakilala kita sa kan'ya" "Saka paano mo naman nasabing mabait s'ya, kahapon mo lang naman siya nakilala eh" "Basta alam kong mabait s'yang doctor." Napansin ko namang bigla s'yang natahimik. "Bakit may problema ba? Hinarap naman niya ako at ngumiti. "Wala naman. Nag-aalala lang ako baka kasi bigla kang magkagusto sa kan'ya," napamaang naman ako at napatapik sa aking noo. Sa gwapo n'yang yan meron din pala s'yang insecurities sa katawan. "Kristoff hindi mangyayari iyon, saka paano mo naman nasabi na baka magkagusto ako sa kan'ya? Dahil sa gwapo s'ya gano'n? "Sabagay sa akin nga hindi ka umepekto sa iba pa kaya? Napaiwas naman ako ng tingin at napayuko na lang. May point din naman si Kristoff. Hindi ko nga malaman sa sarili ko kung bakit hindi ko siya magawang mahalin. In fact, he already has all the qualities of a man. "Louise, I will wait no matter how long. Hihintayin ko na kusa mong ibigay ang puso mo sa akin. Hindi kita pipiliting pakasalan agad ako, gusto ko kapag ikakasal tayo nasa akin na ng buong buo ang puso mo Louise." Hindi ko na napigilan ang maluha dahil sa mga sinabi ni Kristoff. Ramdam ko sa kan'ya ang sinseridad at nagguiguilty naman ako. "Ssshh, don't cry Love alam mo namang ayokong nakikita kang umiiyak," pinunasan naman n'ya ang aking mga luha habang nakatitig sa kan'ya. "Salamat Kristoff, bakit ba ang bait-bait mo sa akin? "It's because I love you" "Paano mo naman nasabing mahal mo ako kung pinilit ka lang naman ni Don Miguel na ipakasal sa akin?" "It's a long story, pero ang alam ko mahal kita noon pa man." Matutukoy ko ba na maswerte ako dahil ako ang minahal ni Kristoff? Sana balang araw dumating na 'yong oras na masuklian ko ang pagmamahal na binibigay n'ya sa akin. "Alam mo wal simula nang dumating ka dito sa Pilipinas naging KJ ka na! Samantalang dati konting yaya ko lang sayo sumasama ka kaagad. Yan ba yong tinatawag nilang sign of aging? Binatukan ko naman si Jake habang naglalakad kami at papunta na sa kani-kaniya naming opisina. "Sign of aging ka diyan! Hindi pa ako ganoon katanda no! "Itong si Marco given na ito kasi may pamilya na, ikaw binata ka pa naman kaya enjoyin mo na muna." Huminto naman ako sa paglalakad kaya naman napahinto rin sila. Doon lang napagtanto ni Jake kung ano ang sinabi n'ya sa akin. "Oops! Wal sorry hindi naman yon ang ibig kong sabihin eh" "Sira* lo ka talaga Jake! Mahina pero may diing saway ni Marco kay Jake. "Okay lang, tama naman si Jake wala pa akong pamilya kaya dapat enjoyin ko muna ang pagiging binata." Matapos kong sabihin yon ay nagpatuloy ulit ako sa aking paglalakad kasunod naman si Marco at Jake sa aking likuran. Rinig ko pa ang bulungan ng dalawa na animoy hindi ko naririnig. Napahinto akong muli nang makita kung sino ang makakasalubong namin. "Kristoff? "Doctor Miller kumusta? "Ayos lang, anong ginagawa mo pala dito? May nabangga ka na naman ba? Biro ko sa kan'ya. "Wala Doctor Miller hinatid ko lang iyong fiance ko" "Ah oo nga pala ngayon pala ang lipat n'ya dito. Nasan na pala siya? "Nasa opisina na niya. Tutulungan ko pa sana siya mag-ayos ng opisina niya kaso may biglang emergency sa opisina ko next time siguro ipapakilala kita sa kan'ya" "Sige no problem. Siyanga pala si Marco pinsan ko, at ito naman si Jake kaibigan ko." Inilahad naman ni Kristoff ang kan'yang kamay. "Pare-pareho kayong Surgeon? "Kami lang dalawa ni Marco, pero itong si Jake saling pusa lang" "Sobra ka sa akin Wal ah! Iyan ba ang way ng paghihiganti mo? "Biro lang! Cosmetic Surgeon naman siya, pero kami ni Marco GS". "Ah, sige Doctor Miller mauna na ako sa inyo ha? Nice meeting you Doctor Marco and Doctor Jake," nagmamadali namang umalis si Kristoff. "Siya ba si Kristoff Jimenez? Takang tanong ni Jake sa akin. "Yes he is, kilala mo siya? "Tama nakita ko na nga siya sa magazine! He is the hot bachelor! "Talaga? Baling naman ni Marco kay Jake. "Oo Marco, sikat kaya siya! Hindi niyo alam? Iinstalk niyo kaya siya para malaman niyo" "Ano kami bakla? Sagot naman ni Marco at nauna na s'yang maglakad sa amin. "Iinstalk lang bakla agad! ? Pahabol ni Jake na ikinailing ko. "Hi mamu! Bati ko kay mamu Dyosa at mamu Edna na naghahanda na ng aming hapunan. "Hello Baby labs! Halika na umupo ka na dito at kakain na tayo" yaya ni mamu Edna habang inaayos ang hapag kainan. "Kumusta ang first day mo anak? Hindi ka naman ba nahirapan? "Hindi naman po mamu, mababait naman po yung mga nurse na nakakasama ko doon" "Mabuti naman anak, e kayo ni Kristoff kumusta? Si mamu Dyosa naman ang nagtanong habang nagsasandok ng kanin. "We're okay mamu dyosa" "Pasensya ka na anak ha? "Para saan po mamu? "Dahil sa kagagawan ng iyong ina." Napatigil naman ako sa aking pagsubo at hinarap sila mamu. "Mamu Dyosa, Mamu Edna wag na po kayong mag-alala dahil mabuting tao naman si Kristoff. "Pero bakit hindi mo siya magawang mahalin anak?" Hindi ako makasagot sa tanong ni Mamu Dyosa. Hinawakan naman niya ang isang kamay ko at marahang pinisil. "Louise anak, subukan mong buksan ang puso mo para sa kan'ya, ikaw na rin ang nagsabi na mabuting tao si Kristoff at nakikita ko naman sa kan'ya na mahal na mahal ka talaga niya." Tama sila mamu. Susubukan kong pag-aralang mahalin si Kristoff. Napaka buti niya sa akin despite na alam n'yang wala akong pagtingin sa kan'ya at pinakikisamahan ko lamang siya dahil sa kasunduan ni mama at ni Don Miguel. Sa tuwing maaalala ko 'yon ay nakakaramdam naman ako ng guilt sa sarili ko. Kakalimutan ko na muna ang kasunduan ni mama at Don Miguel at susubukang mahalin si Kristoff at dahil 'yon sa sariling kagustuhan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD