SAMANTHA’S POV “SORRY, Sam. Hindi ko talaga alam na magkakakilala pala sina Joshua t Doc Carl. At siya ang tinutukoy niya kanina na isasama dito.” Kahit si Mina man ay hindi makapaniwala na magkasama ang dalawa kaya panay ang sorry niya sa akin habang nakaupo na kami sa table. Magkatabi silang dalawa ng boyfriend niya at kami naman ni Doc Carl. Hindi na lang namin sinabi kay Joshua na magkakilala kami. “It’s okay, Mina. I know naman na you didn’t mean it. Mag-enjoy ka na lang kasama ang boyfriend mo. Just don’t mind us.” “Okay. Mag-enjoy ka rin. Huwag kang pa-apekto sa kaniya o sa mga nangyari,” bulong ni Mina. “Isipin mo na lang na nandito tayo ngayon para magsaya.” Hindi ako sumagot. Mayamaya lang ay busy na nga sina Mina at Joshua sa isa’t isa. Kami naman ni Doc Carl ay tahimik p