SAMANTHA'S POV
"ANO? Aayaw ka na agad? Ilang araw mo pa nga lang inaakit si Doc, susuko ka na agad?" Narinig ko ang malutong na tawa ni Mina nang tawagan ko siya. "Ang weak mo talaga kahit kailan, Samantha. Noong una, in-uncrush mo agad dahil nakita mo lang na may kayakap na babae . Tapos ngayon, isang beses ka pa nga lang tinanggihan sa pangse-seduce mo, give up ka na agad?"
"Wala na akong mukhang ihaharap pa sa kaniya, Mina. Ayoko na. Nagsisisi talaga ako na nakinig pa ako sa'yo."
Nagtakip pa ako ng mukha nang maalala ko ang mga ginawa kong pang-aakit kay Doc Carl. Lalo na iyong kanina. Until now, feeling ko, nangangapal pa rin sa kahihiyan ang buong mukha ko. Hindi ko akalain na kaya ko iyong gawin sa kagustuhan ko na hindi mabuhay sa 'what if's' tulad ng sinabi ni Mina.
"Bahala ka nga diyan. Tinutulungan lang naman kita para hindi ka magsisi sa huli, eh," sabi pa ng kaibigan ko, sabay tawa nang malakas. "By the way, may alumni pala sa Mariano Academy. Next Saturday na. Um-attend ka na habang nandito ka pa sa Pinas." School namin noong high school ang tinutukoy niya.
"Titingnan ko pa. Kasal 'yon ni Doc kinabukasan, eh. Baka mapuyat ako."
"And so? Hindi ka ba puwedeng mag-abay nang puyat? Baka naman gusto mong mas maganda ka pa sa bride niya?"
"Ayoko na nga sa kaniya, 'di ba? So, stop teasing me," naiinis na sagot ko. "I've done everything I can to win him over. Pero inayawan na niya ako. Hindi na ako magpapakababa pa uli. Pagkatapos na pagkatapos ng kasal niya, dadalawin ko lang sina Momma and Tita Meryl. Then, babalik na kami ni Samy sa California."
"You've done everything, huh? Iyon na ba ang 'everything' para sa'yo?" Mina chuckled. "Pero it's up to you pa rin, Sam. Buhay mo naman 'yan. Basta um-attend ka lang ng alumni at makipagkita ka namin sa'kin bago ka bumalik ng California. I'm your best friend pero ayaw mong makipag-bonding sa'kin. Ang tagal nating hindi nagkita. Wala ka talagang puso."
"Ikaw ang walang puso, bruha. Ipinahamak mo ako sa 'what if's na 'yon. Ngayon, hindi na ako 'virgin' dahil nahawakan na niya ako."
"G*ga! Virgin ka pa rin, oy. Hawak lang naman pala, eh." Natawa nang malakas ang kaibigan ko. "Pero aminin mo sa'kin... masarap ba?"
"Hindi siya masarap dahil hindi siya marunong. Hindi man lang ako nag-init sa kaniya. OB-GYNE siyang naturingan pero hindi marunong humawak ng b*lat," pagsisisinungaling ko para kahit papaano ay may matira pa naman akong dignidad.
Pero pagtingin ko sa pinto, nagulat ako nang makita ko si Doc Carl na nakatayo na roon. Nakatingin siya sa'kin. At mukhang may marinig siya na hindi niya nagustuhan. Dahil nandidilim ang mukha niya.
"T-tawag na lang uli ako mamaya, Mina. Bye!" wala sa oras na paalam ko sa kaibigan ko at saka ibinaba ang cellphone.
"Are you referring to me?" Masama ang timpla ng mukha ni Doc Carl nang lapitan niya ako.
I admit na kinakabahan ako pero hindi ako nagpahalata.
"Ano po ba ang 'tinutukoy ko' na sinasabi n'yo, Doc?" pagmamaang-maangan ko.
"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa'yo, Samantha. Bigla ka na lang nag-iba. Sa kilos, sa pananamit, sa pananalita. Hindi ka naman ganiyan noong dumating kayo dito, ah," may halong panenermon na wika niya sa akin. "Kapag nalaman iyan ng mga magulang mo, lalo na ng Tatay Sam mo, ano sa tingin mo ang mararamdaman nila?"
Para akong natauhan nang marinig ko ang huling sinabi niya. "I'm sorry, Doc."
"You've changed, and I'm not sure I like it. Mas gusto ko pa rin ang Samantha na kilala ko noon," seryoso ang boses na sabi pa niya.
Muling nalukot ang mukha ko. "Ang alin, Doc? Iyong Samantha na tinatawag mo na 'baby' dahil may gatas pa sa mga labi?"
"Bakit ba ayaw na ayaw mong tawagin kitang 'baby'?"
"Dahil hindi na nga ako bata!" ito ang unang beses na tinaasan ko siya ng boses.
"You're just twenty-two, Samantha. Malayo pa ang mararating mo. Hindi mo dapat sinisira ang buhay mo sa pang-aakit sa'kin. Dahil parang Tatay mo na ako at anak na ang turing ko sa'yo kaya hindi puwede ang gusto mong mangyari."
Buong buhay ko, kahit sa parents ko, hindi ako nakaramdam ng ganitong pagrerebelde ng kalooban.
Kay Doc lang talaga!
"Oh, my God! Dati, noong fifteen at sixteen pa lang ako, ayaw mo sa'kin dahil bata pa ako. Tapos ngayon na twenty -two na ako, bata pa rin ang tingin mo sa'kin?" Para na akong mangiyak-ngiyak dahil sa inis. "Kailangan bang umabot pa ako ng kuwarenta bago mo mapansin?"
Naguguluhan na tumingin siya sa'kin. "Samantha, ano ba ang sinasabi mo?"
"Wala! Ang sabi ko, matanda ka na nga kasi bingi ka na." Padabog akong bumaba at nag-ayos ng sarili sa harapan niya.
I don't care kung namilog man ang mga mata niya dahil sa harapan din niya ako nagpunas ng aking kaselanan na nanlalagkit dahil sa katas na sumabog sa akin kanina, gamit ang tissue na nakita ko sa pantry niya. Wala pa naman akong suot na underwear sa ibaba.
Sinubukan kong ayusin ang bra na suot ko. Pero nahirapan ako dahil sa tensiyong nararamdaman ko.
"Ako na," alok ni Doc Carl pero tinabig ko lang ang kamay niya.
"Huwag na! Baka sabihin mo na naman na inaakit kita," parang bata na saway ko sa kaniya.
Kumuha uli ako ng tissue at pinunasan uli ang aking gitna para malinis na talaga. Sa bahay na lang ako maghuhuhas para diretso ligo na rin.
Huminga siya nang malalim at tumalikod sa akin. May inaayos siya sa ibabaw ng table niya pero parang wala naman.
"Kung tapos ka ng mag-ayos ng sarili mo, ihahatid na kita pauwi," sabi niya sa baritonong boses pero hindi nakatingin sa akin.
"No need po. Nagawa kong pumunta rito nang mag-isa, makakaya ko rin umuwi nang walang kasama," pilosopong sagot ko.
Sa tingin ko, pagkatapos ng mga nangyari ngayong araw, hindi na kami babalik sa dati ni Doc Carl. Hindi ko na kayang maging sweet at maging mabait sa kaniya pagkatapos niya akong ipahiya at tanggihan. At ipinamukha pa sa'kin na anak lang ang turing niya sa akin.
Hindi ko naman ito gagawin dahil galit ako sa kaniya. Kundi naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko naman noon pa man na wala akong pag-asa sa puso niya pero sinubukan ko pa rin.
At ang tanging paraan na lang para tuluyan ko nang makalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya ay iwasan at awayin siya.
Baka kapag araw-araw kaming nag-aaway, mapalitan na ng galit itong nararamdaman ko sa kaniya.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Doc Carl nang makita niya ako na palabas na ng pinto.
"Uuwi na nga, 'di ba?"
"Ihahatid kita. At huwag mo akong subukang suwayin, Samantha. Hinding-hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako," tiim-bagang na sabi niya sa akin.
Ewan ko ba. Kung bakit parang natakot naman ako sa kaniya kaya lumabas na ako ng office niya pero hinintay ko naman siya sa labas.
"Let's go." Hinawakan niya ako sa kamay pero mabilis kong binawi.
"Don't touch me. Mahirap na, baka masabihan mo pa akong malandi."
"I didn't say—"
Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil dali-dali na akong naglakad sa unahan niya. Ni hindi ko siya nilingon hanggang sa makarating ako sa parking lot. Nakahalukipkip ako at nakasandal sa kotse niya habang hinihintay siya.
Habang nakatingin ako kay Doc Carl na naglalakad palapit sa akin, bigla akong nakaramdam ng inis na hindi ko mag-explain.
Bakit ba kasi sa dami ng lalaki sa mundo, sa kaniya ka pa nagkagusto, Samantha? Matanda na nga, bakla pa!
"Ang hirap talaga kapag matanda na ang kasama, ang bagal maglakad," sita ko sa kaniya paglapit niya.
"Stop insulting me. Napupuno na ako." Tiningnan niya ako ng may pagbabanta habang binubuksan ang passenger's seat.
"Eh, ano naman ngayon kung napupuno ka?" Nakipagtagisan ako ng tingin kay Doc Carl.
Natawa ako dahil siya rin pala ang hindi nakatagal at unang nagbawi ng tingin.
"Hindi ako uupo diyan. Sa backseat na ako." Hindi ko pinansin ang pinto na binuksan niya para sa'kin at saka ako pumasok sa backseat.
Pero nagulat ako dahil pumasok din si Doc Carl at bigla akong itinulak pahiga sa upuan. Nawalan ako ng balanse kaya napahawak ako sa braso niya at bumagsak naman siya sa ibabaw ko.
"I am trying... So... So hard, Samantha. Pero inuubos mo talaga ang pasensiya ko," matigas ang tinig na wika ni Doc Carl at mariing sinapo ang aking pisngi. "Hindi ako papayag na patuloy mo akong bastusin at insultuhin. Kung kailangan kitang parasuhan para bumalik ka sa dati, gagawin ko." Pagkasabi niyon ay mabilis na sinakop ni Doc Carl ang mga labi ko.
Ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ko nagustuhan ang halik niya. Ramdam ko nga agad ang anticipation na nabuhay sa katawan ko dahil sa malalambot at matatamis niyang mga labi.
Pero hindi ako papayag na gawin niya ito sa akin bilang parusa. From now on, ipapakita ko kay Doc Carl na wala na ang Samantha Enrique na bata lang kung ituring niya.
Makikita niya kung paano ako kabaliwan ng mga kapwa niya lalaki. Pero siya, hanggang tingin na lang siya sa akin at pagsisisihan niya na minsan niya akong pinahiya at tinanggihan.
"Ano ba?" Sinampal ko siya at malakas na itinulak paalis sa ibabaw ko. "Tumigil ka ngang matanda ka. Ang sabi mo, para na tayong mag-ama. Hindi ka ba nandidiri?"
Hindi makapaniwala na dumilim ang anyo ni Doc Carl na napatitig siya sa akin. Ilang segundo pa ang dumaan bago siya nakabawi sa pagkabigla dahil sa pang-iinsulto ko sa kaniya.
"Sh*t!" malakas siyang napamura, sabay labas. Pabagsak pa niyang isinara ang mga pinto ng sasakyan niya.
Mayamaya lang ay pinaharurot na niya ang sasakyan. Wala na kaming kibo sa isa't isa hanggang sa makarating kami sa bahay niya.
SAMANTHA'S POV
"ATE, nag-aaway po ba kayo ni Ninong Carl?" nagtatakang tanong ni Samy nang makita niyang dumating kami ng Ninong niya at hindi nagpapansinan.
Binati lang siya ni Doc Carl at dali-dali itong umakyat sa itaas. Akala ko nga aalis din agad siya at babalik pa sa ospital. Dahil sa pagkakaalam ko, hindi pa tapos ang duty niya.
"At bakit naman kami mag-aaway ng Ninong mo?" Ayokong malaman ni Samy ang lihim naming hidwaan ng Ninong niya kaya hangga't maaari, hindi ako makikipag-away kay Doc Carl kapag nasa paligid si Samy.
"Hindi po kasi kayo nagpapansinan. At parang bad mood din si Ninong."
"Baka naman nagme-menopause lang ang Ninong mo," biro ko kay Samy, without knowing na nasa likuran ko na pala ang taong tinutukoy ko.
Bagong ligo at bagong palit ng damit.
Agad naman akong nagpatay-malisya.
"Nagme-menopause din pala ang mga lalaki, Ate Samantha?" inosenteng tanong ni Samy.
"Maybe. Bakit kaya hindi mo itanong sa Ninong Doc mo?" Bago ko pa man namalayan, nanakbo na si Samy at sinalubong si Doc Carl. "Ninong, ang sabi po ni Ate Samantha, nagme-menopause na raw po kayo. Is that true po?"
Aminado naman ako sa kabang naramdaman ko nang sulyapan ako ni Doc Carl habang nakatiim-bagang. Pero nginisihan ko lang siya ng nakakaloko.
"No. That's not true," malumanay na sagot niya kay Samy. "Ang menopause ay for women lang. Pero may similar phenomenon naman para sa ating mga lalaki. At iyon ang tinatawag na andropause or late-onset hypogonadism."
"Ano po ang ibig sabihin no'n, Ninong?"
Ako man ay na-curious din. Ngayon ko lang narinig ang mga salitang andropause or late-onset hypogonadism.
Ma-search nga mamaya sa internet.
"Malalaman mo rin paglaki mo." Ginulo ni Doc Carl ang buhok ni Samy. "Sige na. Ituloy mo na ang paglalaro ng basketball sa labas para lalo pang lumakas iyang katawan mo. Babalik pa sa ospital si Ninong at hindi pa tapos ang duty ko."
"Sige po, Ninong!" Tumalima naman si Samy at nagpaalam din sa'kin bago bumalik sa labas para ituloy ang pagba-basketball.
Aakyat na sana ako sa itaas. Nakataas pa ang noo ko nang lalampasan ko na sana si Doc Carl pero hinabol niya ako at pinigilan sa braso.
"You want to play, huh?" mapanganib na wika niya habang madiin na nakahawak sa braso ko.
"Bitiwan mo nga ako. Hindi ko alam ang sinasabi mo." Pumiksi ako sabay layo sa kaniya.
"You don't know what you are doing, Samantha. But brace yourself. Dahil makikita mo ang isang Doc Carlos Juan Escalante na hindi mo pa nakikilala," nakangising banta niya bago siya nagmamadali na umalis.
I was trembling with fear, and at the same time, excitement with what he said.
Pero kung ano man iyon, I'll make sure na this time, hindi na ako ang mapapahiya.
Hindi na ako ang n
maghahabol sa kaniya...