SAMANTHA'S POV EXPECTED ko nang walang tulugan na mangyayari dahil sa pagdalaw na ito ni Doc Carl. Halos buong gabi niya yata akong inangkin. Buong puso naman akong nagpaubaya. Ang saya ko nga dahil magkasama kami ngayon. I admit na super miss ko na rin siya kahit ilang araw pa lang kaming hindi nagkikita. Kaya nga sabik na sabik din ako sa kaniya. Kahit puyat na puyat ako sa nagdaang gabi, gumising pa rin ako nang maaga dahil may pasok pa ako. Akala ko tulog pa si Doc Carl. Balak ko sana na ipaghanda siya ng breakfast. Pero wala na siya sa tabi ko pagkagising ko. Si Baby Ellie na lang ang nakasiksik sa akin. Nagluluto na pala siya ng breakfast. Kaya pala sumalubong sa akin ang mabangong amoy paglabas ko ng room. “Carlos…” malambing na tawag ko sa kaniya habang busy siya sa kusina.