SAMANTHA’S POV “ANO ang sabi mo?” tanong ko dahil hindi ko gaanong narinig ang huling sinabi niya. “Ang sabi ko, hindi ako nagparamdam sa’yo kanina kasi gusto ko na ma-miss mo ako. Kasi ang sabi mo, never mo akong na-miss,” nakangiting sagot niya. My heart skipped a beat. “At bakit naman gusto mong ma-miss kita?” “Dahil ikaw, miss na miss ko na,” aniya at saka hinawakan niya ang chin ko at inilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha ko. “And I lied when I told you earlier na wala na akong plano na pumasok pa sa buhay mo. Kasi ang totoo, Samantha, kaya ko binili ang bahay na ito dahil alam kong nandito ka sa Nevada at kaibigan mo si Tom. Kahit ayaw ng kaibigan ko na ibenta itong bahay niya, pinilit ko talaga siya para lang mapalapit ako sa’yo. Dinoble ko pa ang presyo nito.” Hindi ko ma