SAMANTHA'S POV SA bahay na ni Doc Carl ginanap ang munting salo-salo pagkatapos ng aming kasal sa County Clark. Mag-i-stay din muna rito ng ilang araw ang family ko para magbakasyon. Kaya sobrang happy ko today. Dahil bukod sa Isa na akong ganap na Mrs. Samantha Escalante, makakasama ko rin ng ilang araw pa ang pamilya ko bago ko tuluyang harapin ang buhay mag-asawa. "Ikaw, ha? Akala mo tapos na tayo." Pinuntahan ko sa likod bahay si Jacob habang nagsisigarilyo siya. Kanina ko pa siya gustong kausapin pero busy ako. "Ngayon, ipaliwanag mo sa'kin kung bakit mo pinigilan noon si Carlos na sundan ako dito? Dapat noon pa sana kami ikinasal." Itinapon muna niya ang upos ng sigarilyo at saka ito inapakan. Pagkatapos ay saka siya humarap sa akin. "Okay, I know I was wrong. Kaya nga ang tag