SAMANTHA’S POV “WE’VE ensured your little boy is stable. But sad to say, the patient suffered a severe spinal cord injury,” pagbabalita sa amin ng doctor. “It may cause paralysis or loss of function in his limbs. That’s why we need to conduct further tests to determine the extent of the injury.” Lahat kami ay natulala sandali sa ibinalita ng doctor. Kitang-kita sa mga mukha ng kasamahan ko na tulad ko ay hindi rin nila alam kung matutuwa o malulungkot ba sa aming mga nalaman. Matutuwa dahil ligtas at stable na ang kalagayan ni John Carlo. At malulungkot dahil nakaligtas nga siya ngunit may matinding pinsala naman sa katawan niya. “O-oh, my God. N-no.” Naramdaman ko ang biglang panginginig ng katawan ni Cherry Mae sa tabi ko at ang paghagulhol niya. Alam ko ang nararamdaman niya sa mga