“O, PARE. Napatawag ka?” bungad ni Samuel Junior sa kaibigan at katrabaho niyang si Alvin nang sagutin niya ang tawag nito. Maaga siyang nagising para maglinis sa labas ng resthouse dahil maraming sanga ng mga punongkahoy ang nabali at ang iba ay nakaharang sa daraanan. Iyon ang bakas na naiwan ng nagdaang bagyo. Ayon sa balita, nakalabas na raw sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo kaya medyo kumalma na ang paligid. Hindi na niya inistorbo si Micah na mahimbing pa rin ang tulog kahit alas diyes na ng umaga. Madaling araw na rin kasi silang natulog dahil sa magdamag nilang pagniniig. Kaya siguradong pagod na pagod ang nobya. Lihim na napangiti na lang si Samuel Junior. ‘Buti na lang at hindi niya kaharap si Alvin sa mga oras na iyon. Kung hindi, kinulit na siya nito sa dahila