SAMANTHA’S POV WINTER SEASON ngayon dito sa Nevada dahil December kaya isang gray knit sweater and wide-leg light-wash jeans ang suot ko. Bukod sa bonnet, naka-red scarf din ako para hindi manigas ang leeg ko sa sobrang lamig. Dahil wala naman akong sasakyan kaya nag-commute na lang ako. Thirty minutes lang naman mula rito sa tinitirhan ko hanggang sa lugar ng ka-trabaho ko kaya nag-taxi na lang ako. Sa bahay na raw niya kami magkikita at saka niya ako sasamahan sa papasukan ko. Mas maaga ako ng isang oras kaysa sa napag-usapan namin para nakakahiya sa ka-workmate ko kapag nahuli ako. Dahil napuyat ako sa raket ko kagabi na online job kaya nakaidlip ako sa biyahe. Ginising na lang ako ng taxi driver nang makarating na kami sa pupuntahan ko. First time kong pumunta rito pero hindi naman