SAMANTHA’S POV “SAAN mo gustong matulog?” tanong sa akin ni Romnick nang umakyat kami sa second-floor nitong bahay niya. Tulog pa rin si Baby Ellie sa crib nang silipin namin. “May guest room naman bukod dito sa nursery room.” “Dito na lang sa nursery room para may kasamang matulog si Baby Ellie.” “Sa room ko naman siya natutulog talaga. Dito lang siya kapag may ibang nag-aalaga sa kaniya.” He rested his chin on my shoulder. “Ayoko kasing natutulog siya nang mag-isa dito.” “Kung gano’n, huwag mo na siyang ilipat. Sasamahan ko na lang siya ngayong gabi.” He blinked. “Eh, ako? Hindi mo ba ako sasamahan ngayong gabi?” “Bakit? Baby ka rin ba?” “Hindi. Pero gagawa tayo ng baby—” Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil bigla ko siyang kinurot sa tagiliran. “Mabuti pa, tulungan mo na