SAMANTHA’S POV HINDI na ako muling bumalik pa sa deck. Iniwasan ko na rin si Doc Carl hanggang sa makarating kami sa isla kung saan kami mag-i-stay for three days. Pero posible raw na ma-extend pa dahil nagustuhan agad ni Mommy Raquel ang buong lugar. Kahit ang hotel rooms na tutuluyan namin. Sa room ni Jacob sumama si Samy dahil nga nagkakasundo sila sa mga game app sa cellphone. Habang mag-isa naman ako sa room ko na katapat naman ng room ni Doc Carl. Nagtataka nga ako kung bakit naghiwalay pa sila ng kuwarto ni Cherry Mae na nasa ibaba nitong ikatlong palapag na inookupa namin. Kasama niya roon ang room nina Mommy Raquel at ng parents ni Doc Carl. But deep inside, lihim akong natutuwa na hindi sila magkasama sa iisang silid. Pagdating namin dito, nagpahinga lang ako sandali bago ko