SAMANTHA’S POV “SA totoo lang, hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan ang mensaheng ito. Kung paano ko ba sasabihin ang totoong nilalaman ng puso ko. Ang alam ko lang, sobrang saya ko ngayon at abot-langit ang aking pasasalamat dahil sa pagdalo n’yo sa aking kaarawan.” Nagsisimula pa lang sa birthday message niya si Tatay Sam pero nararamdaman ko na agad na humahapdi na ang aking lalamunan. Parang ayaw ko ngang tumingin sa mga kapatid ko kasi I’m sure na tutuksuhin na naman nila ako kapag nakita nilang paiyak na ako. Siguradong sasabihin na naman nila na daig ko pa ang may birthday kung makaiyak. Akala mo naman, hindi ko alam na patago rin silang umiiyak habang nakikinig sa mga sinasabi ng aming ama. Well, sinong anak ba naman kasi ang hindi maiiyak pagkatapos mong masaksihan an