SAMANTHA’S POV MABIGAT ang mga kamay na binuksan ko ang pinto nitong kotse ni Tita Meryl. Gusto kong pigilan ang mga luha ko pero hindi ko magawa. I’m so stupid. Ang tang* ko para umasa na dahil lang na-postpone ang kasal nina Doc Carl at Cherry Mae ay may pag-asa na ako sa puso niya. Na magkakaroon ng malalim na kahulugan ang mga nangyari sa amin. Wala palang kasing sakit kapag naipamukha sa akin na ‘parausan’ lang ako. Mas masakit pa sa unang beses na binigo ni Doc Carl ang puso ko. I thought that was the most painful part of my life. But heartache is more hurtful the second time around. Mas masakit ngayon dahil sigurado ako na hindi lang simpleng paghanga at pagmamahal itong nararadaman ko para kay Doc Carl. I love him so much. Pagmamahal na higit pa sa akala kong pagmamahal na