SAMANTHA’S POV “ARE you happy now, princess?” tanong sa akin ni Tatay Sam nang sundan niya ako sa kusina kinagabihan. Nasa sala ang lahat at aliw na aliw kay Baby Ellie. Hindi naman inilihim ni Doc Carl sa pamilya ang tungkol sa totoong pagkatao ng anak niya. Nang dahil doon kaya lalo niyang nakuha ang paghanga ng mga taong nagmamahal sa akin, lalong lalo na ang mga magulang ko. Kaninang tanghali ay agad na kinausap ng mga magulang ko si Doc Carl tungkol sa tunay na intensiyon niya sa akin. And I was touched nang sabihin niya mismo sa harap nina Nanay Rebecca at Tatay Sam kung gaano niya ako kamahal at handa siyang pakasalan ako kahit ngayon mismo. At masaya ako dahil mabilis naman niyang nakumbinse ang mga ito. Siguro dahil iyon naman talaga ang totoo. Na talagang galing sa puso niya