KABANATA 47: HINDI nawala ang panginginig ng aking katawan kahit ng makarating na sa taas ng kwarto. May bahid ng gulat din sa akin at hindi makapaniwala sa nangyari. Paulit-ulit iyong nagreplay sa saking utak. Kung hindi ipipilit ko parin siya dito sa mansion ay baka kung saan na mapunta ang galit niya sakin. Hindi na lang iyon simpleng galit. May mas malalim pa doon para magawa niya sakin ang lahat ng ito. Nakarinig ako ng malakas na kalabog at alam kong galing iyon sa main door. Humihikbi akong sumilip sa balkonahe. Nakita ko si Lucas na paalis sa mansion at naglalakad na palayo. Hindi ko alam kung balak ba niya pumunta sa dulo ng Isla at doon mangunguha ng prutas o doon na naman magpapalipas ng buong araw dahil ayaw na naman niya kong makita. Kinuha ko ang cellp