KABANATA 45: NAALIMPUNGATAN ako ng makapa ang kabilang kama at wala doon ang katabi. Nasaan si Lucas? Kahit inaantok pa ay pilit akong bumangon at papungas-pungas pang naglakad. Kinuha ko ang robe dahil giniginaw na sa sobrang lamig. Sinarado ko muna ang sliding door sa balkonahe bago hinanap si Lucas. “Lucas?” Binuksan ko ang ilaw sa walk-in closet at banyo pero wala siya doon. “Lucas?” I opened his room but there are no traces of him so I decided to leave and locked the door. Panay ang silip ko sa baba kahit nasa hallway na ko at hinahanap siya. Mahigpit kong hinawakan ang tali ng aking roba at nagsimula ulit na maglakad. Kumunot ang aking noo ng marinig ang tunog ng punching bag. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa Gym ng bahay. I