KABANATA 52: IT was a successful fashion week show. Nasa sikat na bar kami sa Milan para sa after party ng buong team. Deserved namin na magsaya ngayon matapos ang sunod-sunod na shows sa mga nakalipas na linggo. Walang pahinga at walang gala kaya tuwang-tuwa sila na pagkatapos ng party ay may two days’ vacation kaming lahat. Itinapat ko ang hawak na cocktail drink sa camera ni Remi. She’s my personal assistant. Pinay at bukod sa tagasunod sa mga utos ko ay incharge din ito sa mga social media accounts ko Simula ng pumasok ako sa pagmomodelo ay nagsulputan na ang mga fake accounts ko at ang demand ng mga tao na magkaroon pa ng updates everyday sa buhay ko. Kaya naisipan na ni Yenny na gumawa ako ng official account sa Twitter and i********:. Pero lahat ng ‘yon ay hind