KABANATA 2:
NAGING mabilis ang mga pangyayari para sa akin. Napasinghap ako sa dalawang nagsusuntukan. Huminto ang tugtog at ang mga tao ay pinaikutan na kami. May ilan doong kumukuha na ng litrato at videos.
Dumating ang mga bouncer para awatin sila. Nagtagumpay namang paghiwalayin ang dalawa.
“Gago ka! Ano bang problema mo?!” sigaw ni Jake kay Andrew.
“Tangna mo! Ikaw ang may problema! Girlfriend ko yang pinopormahan mo! Ulol!” nagpupumiglas si Andrew sa hawak ng dalawang bouncer. Galit na galit kaming tinignan ni Jake.
“Akala ko ba wala na kayo niyan?!” tanong ni Yenny na hindi ko namalayang nakalapit na pala sakin.
“Oo nga! Tinext ko lang!” sagot ko sa kanya. Natampal ni Yenny ang noo ng marinig ang sinabi ko.
Sinamaan ko ng tingin si Andrew.
“Break na tayo diba! Kaya anong katangahan yan Andrew! Gumawa ka pa ng eksena!” Sinigawan ko siya. Hiyang hiya ako kung bakit umabot sa ganito. Bukas laman na naman ako ng tsismis nito.
Nilapitan ko si Jake na galit na pumalag sa hawak ng bouncer. Narinig ko pa ang pagangal ni Andrew sa ginawa kong paglapit sa lalaki.
“It’s not yet over, hon! Wala naman akong sinabing pumayag ako ah!”
Napapikit ako sa inis. Pinagsisihan ko na talaga kung bakit sinagot ko ‘tong siraulong to. Bukod sa nakakasakal na sa dami ng bawal. Masyado ng baliw!
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Bumaling ako kay Jake na nagpupunas na ngayon ng dugo sa gilid ng labi.
“I’m sorry Jake sa nangyari. Nahihiya ako sayo. Siguro huwag na lang tayong magkita. Sige, mauuna na kami…” sagot ko at balak ng umalis ng pigilan niya.
“No, ihahatid ko na kayo…” Hinawakan niya ang kamay ko at sumama sa kanya. Ramdam ko ang pagsunod ni Yenny at ang pagmumura ni Andrew dahil sa pagalis namin doon.
Pagdating sa parking ay nagsalita si Yenny.
“Jake, pwede bang tsaka na lang kayo magdate ni Alicia? Kailangan ko lang siyang makausap.” Bumaling siya sa akin at binigyan ng makahulugang tingin.
Tumingin ako kay Jake at alanganing ngumiti at tumango.
“Sorry…” I mouthed. Ngumiti lang ito ng tipid at tumango din.
“Sure. I’ll go ahead. See you at school,” sabi niya na tinanguan naming dalawa ni Yenny. Inantay muna naming mawala ito sa paningin bago ako binalingan ng kaibigan.
“Hoy! Iniwan ko yung Afam ko sa taas dahil sayo! Bakit may ganong eksena na naman baks!” gigil na gigil si Yenny at nagpapadyak pa sa inis.
“Lipat tayo ng Club gusto mo? baka may Afam ka pang makita ulit? O di kaya sa condo na tayo magusap? Mamaya maabutan pa ko ni Andrew dito.” Luminga-linga ako sa paligid para tignan kung sumunod ba si Andrew samin.
“Hayaan mo na! Kinuha ko na yung number. Dun na tayo sa condo mo. Pepektusan na kita eh. Wala kang pakialam sa love life ko kahit kelan!”
Napanguso na lang ako ng nagmartsa ito papunta sa sariling sasakyan. Pinatunog at binuksan ko ang dilaw na Lamborghini at pumasok doon. Mabilis ko itong pinaharurot paalis sa club.
Pagpasok sa condo ay hindi na ko tinigilan ni Yenny sa kaka-sermon niya.
“Ba’t naman kase makikipag break ka ng sa text lang? Hindi formal yun! Iisipin talaga ni Andrew na kayo parin kasi hindi niyo naman napagusapan talaga. Grabe ganda mo! O! Pag ayaw na tsupi! Ganorn?” she even rolled her eyes.
Napailing ako sa false eyelashes niya na makapal. Parang ako ang nabibigatan sa mga iyon. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig. Nilagok ko lahat iyon at bumaling sa kanya.
“Ayaw nga ‘non pagusapan yan sa personal eh! Edi tinext ko na lang. Malay ko bang susulpot yun don. Mga barkada niya na nasa Valkyrie ang malamang nagsabi na nandoon ako. Basta break na kami. Ayoko na okay? SAWA.NA.AKO.” sagot ko at inirapan siya.
“Grabe baks! Ganda talaga o! Share ka naman diyan!” Panunukso niya. Kinuha nito ang cellphone at nagsimula ng maging abala doon.
“Dito ka na matulog. Gusto ko ng kasama.” Kumuha ako ng isang baso at naglabas ng Vodka. Nagsalin ako at inabot sa kanya ang isang baso.
“Oo na. Nga pala pagka sem break lilipad ako pa-thailand. Sama ka?”
“Ano na naman ipapagawa mo?”
Sinulyapan ko siya. Yenuel ang totoo niyang pangalan, at Yenny kung tawagin namin siya sa palayaw. Kung magpapaka-lalaki lang tong kaibigan ko gwapo sana. Maraming paiiyakin na chics eh. Kaso ang habol lalaki rin. Wala namang pinaayos sa mukha pero sa katawan oo. Transgender na nga siya last year lang. Sinuportahan ko na lang dahil kaibigan ko. Kung saan siya masaya ay duon din ako.
“Kulang pa ‘tong s**o ko. Palalakihin ko pa. Nagre-ready ako para sa pageant na sasalihan ko next year,” aniya na hinawakan pa ang magkabilang s**o para ipakita sakin na maliit pa iyon para sa kanya.
“Himas himasin mo na lang yan baka lumaki pa.” Humalakhak ako pagkatapos ay tumayo para buksan ang cabinet. Kumuha ako ng chips at nilapag sa lamesa.
“Tanga. Ilang himas na hanggang dito na lang. Kaya ipapadagdag ko na.” Binuksan nito ang ruffles chips at kumuha doon.
“Sige sama ko. Wala naman akong gagawin.” Bumuntong hininga ako at kinuha ang remote ng TV.
“Hindi parin ba nakauwi ng mansion niyo si Tita Victoria?”
Umiling ako. Palaging busy ang magulang ko sa business ng pamilya. Sa isang taon bilang lang sa daliri ang makasama ko sila. Kaya kasa-kasama ko paglaki ay puro katulong pati si Yenny na mula pagkabata kilala ko rin. Wala man ang magulang ko simula pa noon ay nakukuha ko naman lahat ng gusto ko. Hindi kami salat sa buhay kaya kahit anong gusto kong bilhin ay nabibili ko. Kahit saan ko gustong pumunta napupuntahan ko. Kapalit ng presensya ng magulang ko ay ibinibigay nila sakin lahat ng luho ko. Dahil sa kanila kaya sanay akong nakukuha ang gusto.
Simula ng nagcollege ako ay dito na ko sa condo umuuwi. Pumayag naman sila. Ayoko sa mansion. Malaki nga pero nagiisa naman ako. Kaya pinili ko ang condo na sakto lang sakin at malapit kay Yenny para hindi ko maramdaman na nagiisa.
Si Yenny lang din ang kaibigan ko. Yung masasabi kong tunay na kaibigan kasi ang mga babae na kakilala namin ay ilang sakin. Nakaka-batian pero yung tipong close wala talaga kundi si Yenny lang. Kaya kahit ganyan ang kaibigan ko. Mahal na mahal at ipagtatangol ko yan. Alam ko naman na ganoon din siya sakin.